Chapter Sixteen

18.8K 495 11
                                    

Kapa

~•~

ZIA's POV

"Saan ka ba nanggaling ha? Tapos puro pasa ka pa." Sabi ko habang inuuga ang kaniyang balikat.

Siya, deadma.

Napabuntong-hininga ako bago ako nagpatulong sa kaniyang mga katulong para madala siya sa kaniyang kwarto.

"Maiwan ko po muna kayo. Kukuha lang po ako ng bimpo at tubig." Paalam nung isang katulong.

"Pakidala nalang din yung medicine kit," sabi ko.

Tumango siya bilang sagot.

Hanggang ngayon wala pa ring malay si Dwight.

Sigurado akong napasabak na naman to sa away dahil sa mga pasa niya sa mukha.

Bakit na kasi gustong gusto niya yang pakikipagbakbakan sa iba? Wala namang maidudulot yan na maganda kundi sakit lang ng katawan.

Wait lang, concern ba ako sa kaniya?

I shooked my head. No. Malaking hindi.

Naaawa lang ako sa kaniya. Magkaiba yon.

Habang nakahiga siya sa kama kinumutan ko siya dahil alam kong nilalamig siya.

Habang naghihintay sa pagbalik ng katulong kanina hindi ko mapigilang iikot ang aking paningin sa loob ng kwarto niya.

First time kong makapasok sa kwarto ni Dwight pero feeling ko nakapasok na ako dito. Ewan ba.

Bawat nakasabit at nakalagay na litrato sa kaniyang kwarto tinitingnan ko. Akala ko kapag lalaki madumi ang kwarto pero ang kwarto niya sobrang linis dinaig pa ang kalinisan ng kwarto ko.

Napangiwi ako nung magflash sa utak ko yung mga gamit ko sa kwarto.

"Maam, ito na po yung medicine kit at tubig na maybimpo. Kayo na po ang bahalang mag-asikaso kay Sir Ma'am," bago pa ako makasagot bigla nalang nagpaalam yung katulong at umalis.

Napahinga ako ng malalim. Uns kong binuksan yung medcine kit bago lumapit kay Dwight na himbing na himbing sa pagtulog. May butil butil pa siya ng pawis sa noo. Una kong ginamot yung mga pasa niya sa mukha.

Habang ginagamot ko siya hindi ko mapigilang mapatitig sa kaniyang natutulog na mukha. "Ang gwapo mo pero pinapapangit mo naman dahil sa pakikipagsuntukan." Bulong kong sabi sa kaniya.

Matapos ko siyang gamutin kinuha ko yung bimpo at tubig na dinala ng katulong tsaka ako lumapit sa natutulog uling si Dwight.

Una kong dinampian ng dimpo ang kaniyang noo at sinunod ko ang kaniyang leeg.

Tapos bumaba yung tingin ko sa damit niya. Ngayon ko lang napansin na nakaschool uniform pa pala siya. Nagdadalawang isip tuloy ako kung huhubarin ko ba yon o hindi para madampian ng bimpo.

Wag nalang kaya?

Baka kasi matuyuan siya ng pawis. Amoy alak din siya. Tapos yung kwelyo ng uniform niya may lipstick pang nakakabit doon.

Napailing nalang ako. Ano pa bang maiisip ko? A bad boy will always be a bad boy.

At dahil isa akong mabait na babaeng nagtataglay ng konsensyang baka lumala pa ang lagnat nung unggoy na nakahimlay sa kaniyang kama ginawa ko na ang nararapat.

The Bad Boys TutorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon