Chapter Nineteen: Date (part 2)
Dedicated to: @lykableeee
~•~
ZIA's POV
Isang sisig at dinuguan ang napili kong ulam. Samantalang yung unggoy na kasama ko wala pang napipiling kahit na ano kaya bago pa mainis yung nagtatanong sa kaniya kung anong order niya ako na ang sumagot. "Adobo po sa kaniya." Sabi ko.Tumango yung lalaki bago umalis. "Hey, what kind of food is adobo?" Nakakunot noo niyang tanong nung makaalis yung lalaking umaastang waiter nila.
"Adobo lang hindi mo pa alam? Saang jungle ka ba nanggaling?" Naiiling kong tanong. Unggoy nga pala saging lang ang alam na pagkain.
"What did you say?" Inis niyang sabi. Haha badtrip na siya.
"Wala. Sabi ko masarap yung adobo kaya maghintay ka diyan, okay?"
"Tss," he said then rolled his eyes. Akala ko di uso sa lalaki ang mangisnab?
"Ano, pwede po bang magpapicture sayo?" Sabi nung babaeng kakalapit lang sa table namin nung Unggoy. Akalain mo nga naman. Pati ba naman dito may nabibingwit ang Unggoy na to?
"No." Sagot ni Dwight habang busy kakatingin sa kaniyang phone.
Nakita kong nadismaya yung babae. Pasimple kong sinipa si Dwight sa kaniyang paa.
"Damn!" Inis niyang sabi at masamang napatingin sakin.
Nginuso ko yung babae. "What?" Inis niyang sabi.
"Pagbigyan mo na." Mahina kong sabi sa kaniya.
"Ayoko. Kung gusto mo ikaw ang mapalittrato sa kaniya." Sabi niya.
Kahit kelan talaga bastos tong Dwight na to.
"Sige po next time nalang po." Sabi nung babae bago umalis na.
Tiningnan ko si Dwight na walang paki sa kung anong nangyari.
"Tss. Next time, don't treat me in this kind of place." Inis niyang sabi.
Sus, arte mo. Baka kapag natikman mo ang pagkain dito babalik balik ka. Tch.
Hindi ko na siya sinagot at tumango nalang ako sa sinabi niya dahil wala namang mangyayaring next time. Ano siya sinuswerte? Blackmail lang ang dahilan kaya ako sumama sa kaniya ngayon kaya wag siyang masyadong mayabang.
Makalipas ang ilang minuto dumating na din yung order namin.
Nagsign of the cross muna ako bago kumain. Amoy palang masarap na. Sigurado akong mapaparami na naman pagkain ko neto.
Una kong kinuha yung dinuguan at linagay sa nakatumpok kong kanin. Hinalo halo ko yon at sumubo ako ng isang kutsara. Thumbs up! Ang sarap!
Nakakatatlong subo na ako nung mapansin kong hindi ginagalaw ng kaharap ko yung kaniyang pagkain.
Napatingin ako sa kaniya. Nakakunot noo siyang nakatitig sakin.
BINABASA MO ANG
The Bad Boys Tutor
Roman pour Adolescents[COMPLETED] [WINGSTONE Series #1] Zia Park. Isang certified good girl. Mula ng mamatay ang kanyang magulang ginugol nya ang kanyang oras at panahon sa pagtulong sa restaurant ng kanyang Tita at sa kanyang pag-aaral. Matalino, mabait, at masipag. La...