Basketball game
Dedicated to: @ChildishAngel04
~•~
ZIA's POV
Mga ilang minuto din yung tinagal ko sa rooftop bago ako tumayo sa pagkakaupo ko. Napansin ko yung susi na nasa lapag lang malapit sa akin. Napatitig ako doon bago kinuha. Tinitigan kong mabuti yung key chain kasama ng susi. Isa siyang silver na monkey na may nakasulat na Dwight sa gitna nito. Natawa ako bigla. Haha no wonder.
Kinuha ko yon at dali-daling tumakbo. Baka maabutan ko pa kasi si Dwight hindi pa naman siguro siya nakakalayo.
Dahil bukas ang pinto tuloy tuloy lang ako sa paglakad. Napahinto lang ako ng marinig ko yung seryosong boses ni Cedric. Kanina pa ba sila nag-uusap? Importante ba yung pinag-uusapan nila? Ano naman kaya yon?
Pero naisip ko, napakatsismosa ko kung pati pag-uusap nila pakikialaman ko pa. Pumihit ako pabalik ng rooftop. Pero, nakakadalawang hakbang palang ako nung may magsalita sa kanila.
"Do you like her?" Dinig kong tanong ni Cedric.
Like her? Sino?
This time, di ko na napigilan ang sarili kong makinig. Part ng isip ko nagustong umalis dito pero mas lamang talaga yung part na gustong-gustong marinig yung pinag-uusapan nung dalawa.
"Do you like Zia?" Wa-Wa what? Zia? Ako?!
Meron pa bang Zia dito? Ako ba yon? Siguro nga. Ang bilis ng tibok ng puso ko habang hinihintay yung sagot ni Dwight. Napapigil pa ako ng paghinga ko na para bang maririnig nilang dalawa yon."Does it concerned you?" Dinig ko namang sabi ni Dwight.
Knowing him. Alam kong hindi niya ako gusto. Ano ba kasing pumasok sa kukute ng Cedric na to at sinali ako sa kanilang usapan?
"Yes or no lang Dwight," medyo inis na tugon ni Cedric.
Nakita kong napabuntong-hininga si Dwight. Ang dali lang sagutin eh. Wag ka nang mahiya. Just say 'no'. Tch. Sasabihin lang ang 'no' di pa magawa.
"Yes, I do like her," halos mapaupo ako sa sinabi niyang yon. Muntik ko nang mabitawan yung susi na may key chain ni dahil sa sinabi niya. Hindi ako makapaniwala.
Yes, I do like her.
Yes, I do like her.
Yes, I do like her.
Pabalik-balik na nag-e-echo yan sa aking isipan. Hindi ako makapaniwala.
Kanina si Cedric ngayon naman si Dwight?! Yung totoo lang. Pinagloloko ba ako ng tadhana?
Hindi ko na naintindihan yung pinaguusapan nilang dalawa after makasagot ni Dwight dahil sobrang okupado na ng isip ko yung sagot niya kanina.
Yes, I do like her.
Napahawak ako sa dibdib ko na sobrang ang pagkalabog sa normal na pagkalabog nito. Para akong aatakihin ng hika na ewan.
Makalipas ang ilang minuto natapos na din yung pag-uusap nilang dalawa. Hindi ko alam kung kanina pa sila nakaalis o ano bastat ang alam ko ako nalang ang natitira dito.
Dahan-dahan akong bumaba. Tinago ko sa bulsa ko yung key chain ni Dwight. Hindi ko alam kung ibibigay ko ba to sa kaniys mamaya o ipapaabot ko nalang kay Trace o Cedric.
BINABASA MO ANG
The Bad Boys Tutor
Novela Juvenil[COMPLETED] [WINGSTONE Series #1] Zia Park. Isang certified good girl. Mula ng mamatay ang kanyang magulang ginugol nya ang kanyang oras at panahon sa pagtulong sa restaurant ng kanyang Tita at sa kanyang pag-aaral. Matalino, mabait, at masipag. La...