Chapter Thirty-Six

14.8K 395 29
                                    


Thank you Skawngur4444 I really appreciated your comments :) Thank you din sa pagtama sakin. You are one of a kind <3! :))) I dedicated this chapter to you. Hope you like :)!

--------------------------------------------------------------------------------------------

Off Limits

~•~

ZIA's POV

I'm mad! Really mad!

Hindi man lang ba niya masabi na gumanda ako sa paningin niya kahit ngayon lang?

Panget? Panget talaga?

Pinilig ko ang aking ulo. Get yourself Zia! Calm down! Ano ngayon kung sabihan ka niyang panget? Eh, dati niya namang sinasabing panget ka! What's the big deal? Eh, immune kana sa ganiyan.

Nainis ako bigla sa naisip ko. Oo nga naman bakit ko ba binibig deal yon? Ano naman kung panget ako sa paningin niya. Ganoon talaga yang si Dwight. Labong labong na kakatingin sa mga babae niya.

I sighed. Ano bang pinaglalaban ko at pati sarili ko inaaway ko na? Nababaliw na ata ako.

"Oh? Bakit ka nakasimangot?" Nakangising usal ni Trace at umupo sa harap ko. Nandito kami ngayon sa cafeteria dahil lunch break.

Sinulpayan ko siya. "Nakita kasi kita. Pumangit ang araw ko." Nakaismid kong sabi.

Napangisi siya. "Talaga? O, baka naman nakita mong may kahalikang iba yung lalaking gusto mo kaya mula kaninang umaga badtrip kana." Sabi niya.

Napatingil ako sa pagkain at napatitig sa kaniyang mukha na nakangisi. Inirapan ko siya tsaka ako umiling. "Wala akong gustong lalaki,"

"Talaga?" Hindi ko alam kung amusement ba yung narinig ko sa boses niya o talagang nang-iinis lang siya. Knowing this monkey! Talagang nang-iinis lang yan.

Di ko siya sinagot at pinagpatuloy ang pagkain. Bahala siya diyan.

"What about, Ric? Hindi mo ba siya gusto?" Tanong niya.

Nagkibit-balikat ako. "Were friends." Sabi ko.

"What about Dwight?" Ang kulit ng isang to. Hindi niya siguro pansin na ayaw ko siyang kausapin.

"Dwight who?" Lalong lumaki yung ngisi ni Trace.

"Dwigth Wingstone who else?"

"Were enemies," sabi ko at dinuro siya ng tinidor. "At wag na wag mong sasabihin yang pangalan na yan dahil naririndi ako kapag naririnig ko yan."

"Woah woah! Chill Bettytor! Hindi ko na sasabihin ang pangalan ni Dwight! Just stay away that thing from me." Sabi niya habang nakaturo sa tinidor. Nilayo ko yon sa kaniya.

"Nga pala bat parang galit na galit ka kay.. uhm.." napakunot noo ako sa kaniya. I know his talking about Dwight.

"Kasi ang yabang niya," simple kong sagot.

"Marami rin namang mayayabang diyan sa paligid bakit hindi ka nagagalit sa kanila?" Sinulyapan ko si Trace habang nginunguya yung kinakain ko.

"Hindi ko sila kilala,"

Tumaas yung kilay niya. "At kilala mo si Dwight kaya ganoon?" Pinaningkitan ko siya ng mata. Sabing bawal sabihin ang pangalan niya eh.

Pero pinalangpas ko nalang din ayokong makipag-away kay Trace. Sure akong sasakit lang ulo ko sa isang to. Sa kanilang tatlong bad boys kasi itong si Trace ang pinakamaysense kausap maslalo na kapag seryoso.

The Bad Boys TutorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon