Zia's Answer
Thank you nurjhayna and zoeynatic47 for the FV (flood votes) ^^!
~×~
ZIA's POV
CL:
Shit! You look beautiful.
CL:
I want to punch those assholes who keep staring at you.
CL:
Why are you sad?
CL:
Im not clingy but I think I like you.
CL:
Just kidding.
Ang dami niya pang txt mula nung isang linggo hindi ko lang pala nababasa. Hindi ko na kasi nahahawakan ang cellphone ko sa sobrang busy ko.
At tsaka hindi talaga maalis sa isip ko yung sinabi ni Dwight. Feeling ko bumibilis yung tibok ng puso ko kapag naaalala pa rin yon.
Hindi niya ko pinilit na sumagot nun pero maghihintay daw siya hanggang sa matapos tong buwan. At ito na nga yung last day ng September. Ibig sabihin ngayon yung time na hinihintay niya.
Anong gagawin ko? Hanggang ngayon hindi ko pa din alam ang isasagot ko sa kaniya.
To tell you frankly, hindi nga ako makatulog mabuti gabi gabi kakaisip doon.
Napabuntong-hininga ako. "Ang lalim nun ah." Napalingon ako kay Trace na nakalapit na pala sakin. May dala dala na naman aiyang banana chips.
Umupo siya upuan na nasa harapan ko. Inalok niya ako ng banana chips niya pero tinanggihan ko. "Anong meron? May problema ba? Papangit ka niyan. Kung ako sayo tawanan mo nalang." Natawa siya sa sinabi niya. Baliw talaga.
"Hey Trace," usal ko. Pwede kaya siyang matanungan?
"Hmmm?" Nakataas ang kilay niya sakin habang kumakain.
"May tatanong ako sayo kaya sana sagutin mo ng matino." Okay, kailangan ko ng kausap at siya lang ang nasa harap ko. Siguro naman matutulungan niya ako niyan.
"Kung itatanong mo sakin kung bakit ang gwapo ko? Simple lang ang sagot diyan, 'matagal na'." Proud niyang sabi.
Pinanliitan ko siya ng mata. "Di ka kaya kidlatan sa mga pinagsasabi mo noh?"
"Grabe ka naman sakin, Zia. Gumanda kalang naging ganiyang kana. Palibhasa mukha lang ni Dwight ang nakikita mo." Nanlaki yung mata ko sa sinabi niya.
"Kita mo na, kita mo na. Guilty." Sabi niya habang nakaturo saking mukha.
Inirapan ko na. "Hindi no."
Tumango siya. "Sige ipagkait mo. Kitang kita naman eh. Ika nga ni Robin Padilla, 'tulak ng bibig kabig ng dibdib'. Kaya kung ako sayo sagutin muna si Dwight para matapos na to." Kumindat pa siya sakin. Ah ewan sayo!
"Ouch!" Isang malakas na batok ang binigay sa kaniya ni Aome na nakapameywang na ngayon sa kaniyang likuran.
"Anong pinagsasabi mo kay Zia, Kuya? Binibrain wash mo ba siya para sagutin niya si Dwight?" Pati ba naman si Aome may alam din tungkol doon?
BINABASA MO ANG
The Bad Boys Tutor
Teen Fiction[COMPLETED] [WINGSTONE Series #1] Zia Park. Isang certified good girl. Mula ng mamatay ang kanyang magulang ginugol nya ang kanyang oras at panahon sa pagtulong sa restaurant ng kanyang Tita at sa kanyang pag-aaral. Matalino, mabait, at masipag. La...