Chapter Fifty-Five

13.3K 261 15
                                    

This is the last Chapter. Thank you so much for reading this far.^^

===================================

The Truth

Warning: Medjo SPG!!

~•~

ZIA's POV

Walang paglagyan yung naramdaman kong saya nung ipasa sakin ang korona ng pagiging Ms. Foundation ng Wingstone University.

Pero, biglang naglaho yung saya na yon nang makita ko ang kaniyang mukha ng harap harapan.

Nakauwi na kaming lahat pero yung saya nabalutan ng pangamba at tanong. Hindi ko alam kung ano bang dapat na reaksiyon ang aking ipakita.

Nakatitig lang ako sa kaniya habang lumalandas saking mukha yung aking makulit na luha.

Tatlong taon. Akala ko wala na siya. Akala ko hindi ko na siya makikita pero heto siya at nasa aking harapan.

Ang daming tanong na sumagi saking isipan habang tinitingnan siya.

"Dad?" Di ko mapigilang sambit habang nakatitig lang sa kaniya.

Ngumiti siya sakin. "Zia, anak.." aniya.

Bigla akong napaluha ng tuluyan. Ang tagal kong hindi narinig na sabihin niya yan. Tumakbo ako palapit sa kaniya at mahigpit siyang yinakap.

"Daddy!" Umiiyak kong sambit. "Bakit ngayon ka lang po nagpakita? Akala ko po patay kana." Sambit ko habang umiiyak.

Yinakap niya ako pabalik. "Sorry.." aniya at hinayaan ko siyang yakapin ako.

Ang sarap sa piling na malaman at maramdaman na buhay yung Daddy mo. Sari saring nag nararamdaman ko ngayon. Pangamba at saya.

"Nasaan po si Mommy, Dad?" Tanong ko nung maupo kami sofa.

Lumungkot ang kaniyang mukha. "Wala na siya Zia. Wala na ang mommy mo." Mahina niyang sambit.

Nabalutan ako ng lungkot. Oo, hindi ko nakita ang kanilang bangkay matapos ang pangyayaring yon. Ang sabi lang ni Tita patay na silang dalawa dahil kitang kita ko din naman yung kanilang puntod sa sementeryo.

"Pero, papano po kayo nagkapuntod kung hindi naman po kayo talaga patay?" Takang usal ko.

"Sinadya talaga ng pamilya nating gawin yon para malaman ng ating mga kaaway na patay na ako at tumigil na sila." Aniya

Biglang sumagi saking isipan yung gabi na nakita ng aking dalawang mata na binaril ng Daddy ni Cedric si Mommy.

May sumagi agad saking isipan. "Dad, pwede na nating ipakulong yung may sala sa pagpatay kay Mommy. Dalawa na tayong witness. Pwede na nating buksan ulit yung kaso para makuha yung hustisya sa pagkamatay niya Mom." Masaya kong sambit. Buhay si Papa at alam kong papakinggan ng korte ang sasabihin niya.

Hinawakan ako sa kamay ni Daddy. Ngumiti siya sakin. "Kaya nga ako nandito para makuha mo na yung hustiya sa pagkamatay ng mommy mo. Ayoko nang tumago sa batas dahil sa nagawa kong kasalanan." Mahina niyang tugon.

Napatitig ako sa kaniya. "Anong sinasabi mo, Dad?" Takang tanong ko. Hindi ko talaga maintindihan ang sinabi niya.

"Ayoko sanang malaman mo to pero alam kong hindi ko maitatago sayo ang katotohanan. Zia, a-ako ang pumatay sa mommy mo." Aniya.

Napailing ako. "Hindi totoo yan," umiiyak kong usal habang panay ang iling. "Nakita ng dalawang mata ko kung sinong pumatay sa kaniya hindi ikaw yon Dad!" Patiling sabi ko habang umiiling.

The Bad Boys TutorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon