Chapter Thirty-Nine

15.2K 379 14
                                    

Dwight's Thoughts (part one)

~×~


DWIGHT's POV

One year ago.


Ayoko talaga sa pangit.

Ayokong nakikita ang mga pagmumukha nila.

Nakakasira ng araw.

Naiinis ako kapag nakikita ko yung buhok nilang magulo. Hindi man lang makapagsuklay. Mukhang pinupugadan ng ibon.

Nakakabwesit din yung damit nila na akala mo galing pa sa ninuno ng kaniyang mga lolo at lola.

Naalibadbaran talaga ako sa kanila. Katulad nalang ngayon. Nakakainit ng ulo tong nerd na bumangga sakin.

Nag-iisa ako ngayon dahil busy yung dalawa kong pinsan sa kanikanilang kagaguhang ginagawa. Cedric's with his girlfriendS. Trace's with his chess board.

At nagmamadali ako dahil tinawagan ako ni lolo at gusto niya daw ako kausapin ng personal pero dahil sa kamamadali ko i dumped into this ugly girl for God knows who.

Nahulog ang libro niya sa semento kasama ng magrado niyang salamin at ngayon kakapa kapa niyang hinahanap yon. I rolled my eyes. Nahawakan niya ang aking sapatos na katabi lang ng salamin niya. Sinuot niya yon. Napailing ako. Bakit nga ba tinitingnan ko pa tong pangit na to?

Linampasan ko siya.

"Wait, can you help pick my books?" Sabi niya na ikinalingon ko sa kaniya.


Napatingin ako sa paligid. Walang katao tao kundi kami lang dalawa.

"Are you talking to me?" Tanong ko nakayuko siya habang pinupulot ang kaniyang mga libro.


"Sa tingin mo may iba pa akong kausap maliban sayo?" Sarkastikong sagot niya na lalong kinainis ko.


"Transferee student ka ba?" Tanong ko. Dahil magagawa ko pa siyang patawarin kung transferee siya.

"Hindi. Dito na ako nag-aral simula last year." Tinitigan ko siya. Ginagago ba ako ng nerd na to? Dito na pala siya pumasok last year tapos hindi niya ako kilala?

"Kilala mo ba ako?" Medyo inis kong sabi sa kaniya. Hindi niya ako tinitingnan habang kinakausap panay ang pulot niya sa mga aklat niyang nagkalat.


Napatiningin siya sakin. Wait, tama ba tong nakikita ko? Bakit ang ganda niya?

Napataas siya ng kilay. "Kailangan bang kilala kita?" Sabi niya na lalong kinainis ko ng sobra. Gago to ah. Hindi niya ako kilala? Eh sikat na sikat ako dito sa Wingstone University.


"Dapat lang na kilala mo ako." Sabi ko sa kaniya. "Dwight. Wingstone. Itatak mo yan sa ulo mo." Sabi ko bago siya linampasan. Hindi ko siya tinulungan sa pagoupulot ng gamit niya. Who cares with her books? Ayokong hawakan ang nahawakan niya na baka mahawa lang ako ng kapangitan niya. Napatingin ako sa nike kong suot na bagong bili ko lang. I think ito na yung last time na susuotin ko to.


"Zia, bakit araw araw maslalo kang pumapangit?" Isang umagang dinig kong sabi ng isang babae galing sa isang grupo ng babae.

Nagtawanan sila habang nakatingin doon sa nerd na naglalakd habang yakap yakap ang kaniyang mga aklat. Napakunot noo ako at hindi maiaalis ang tingin sa kaniya. Siya yung pangit na nerd na sumagot sagot sakin. Napangisi ako. Dito pa rin pala yan nag-aaral?


The Bad Boys TutorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon