Representatives~•~
ZIA's POV
Kung pwede ko lang talagang sapakin tong Dwayne Silva na katabi ko ginawa ko na. Ninominate ba naman akong representative para sa foundation pageant. Ano namang alam ko doon?"How about sa boys? Sino sa tingin nyo ang pwede nating ipanlaban? By partner kasi yon." Sabi ng guro namin.
Napangisi ako bago napatingin sa kay Dwayne. Ngumisi din siya pabalik bago ako tinaasaan ng kilay. Magtatataas na sana ako ng kamay pata enominate din siya nung siya na mismo ang nagtaas ng kamay. "I will do it, Ma'am!" Aniyang malapad na nakangiti.
"That's great! After class pumunta kayo sa gym para magparegister. It settle then, si Ms. Park at Mr. Silva ang ating class representative. Hope you cheered and support them class." Sabi ni Ma'am. Lahat tumango. "Yes Ma'am!" Sabay sabay na sagot ng mga kaklase ko bago nagstart ng klase si Ma'am.
"Zia, let's go." Yaya ni Dwayne sakin habang inaayos ko ang aking gamit. Kinuha niya ang aking mga aklat. "Ako na magdadala nito." Dagdag niya pa habang malawak na nakangiti na pra bang mapupunit anumang oras ang kaniyang pisngi.
Tumayo ako at tinitigan siya ng masama bago hinablot yung gamit ko sa kamay niya. "No, thank you." Sabi ko bago nagmartsa paalis.
Nagtuloy tuloy ako sa paglalakad at hindi pinapansin si Dwayne na sunod ng sunod sakin.
"Look, Zia. Sorry kong ninominate kita, okay? Binibiro lang naman kita. Hindi ko naman akalain na papayag ka." Sabi niya.
"Hey, pwede ka namang umayaw kong hindi mo talaga feel maging representative. I just nominate you kasi alam kong deserved mong maging Ms. Foundation. Matalino at maganda---" tumigil ako sa paglalakad at hinarap siya.
"I don't care. Kung naisip mo talagang biro lang ang pagnominate mo sakin hindi mo yon gagawin." Inis kong sambit. Magkakandabulilyaso na naman ako nato kay Tita Belle nakakahiyang sabihin sa kaniya na sasali ako ng pageant. Ibig sabihin gastos na naman yon nahihiya na ako sa kaniya sa mga gastos ko.
"Bakit ka ba nagagalit?" Aniya sa mahinang boses.
"Hindi mo alam kong bakit? Pwes, for your information Mr. Silva--"
"Dwayne nalang," aniya.
Napabuntong hininga ako sa paginterrupt niya sa dapat kong sasabihin. "For you information Dwayne Silva--"
"Just Dwayne," aniyang nakangiti. Sa inis ko binato ko siya ng libro kong hawak hawak.
"Patapusin mo ng akong magsalita, okay?" Asar kong sabi.
Tumango siya. Pero nasambot niya yung aklat ko. "Kung para sayo biro lang tong pagsali sa pageant sakin hindi. Maraming gagastusin dito at alam mo namang hindi ako ganoon kayaman katulad mo. Kaya kung maari lang wag mo muna akong kausapin kung ayaw mong magilotan ng leeg." Napahawak siya sa kaniyang leeg habang nakatitig sakin asar akong tumalikod sa kaniya at naglakad paalis.
Naipagpasalamat kong tinigilan niya na ang kakasunod sakin.
Nakarating ako sa gymnasium kung saan magpaparegister. Marami ng tao pagkadating ko doon. Doon ako pumila sa kakaunti lang ang pumipila kaya nakapagregister ako ng walang kahirap hirap.
BINABASA MO ANG
The Bad Boys Tutor
Novela Juvenil[COMPLETED] [WINGSTONE Series #1] Zia Park. Isang certified good girl. Mula ng mamatay ang kanyang magulang ginugol nya ang kanyang oras at panahon sa pagtulong sa restaurant ng kanyang Tita at sa kanyang pag-aaral. Matalino, mabait, at masipag. La...