Break Up
~•~
ZIA's POV
"Papasok ka na?" Tanong ni Minho nung mapansin niyang nakauniform na ako pagbaba ko ng sala.
Tumango ako. Wala man ako sa mood pumasok pero hindi ko naman kailangan ipagwalang bahala lang yung pag-aaral ko. Hindi naman porket nasaktan ako sa mga nangyayari sa buhay ko ititigil ko na din ang pag-aaral ko.
"You sure? Hindi ka ba nag-aalala na magkita kayo sa school ni Dwight?" Nakatitig sa mukha kong tanong niya.
Speaking of Dwight, mula ng madala at lumabas ako ng hospital hindi ko pa din siya nakikita o nakakausap.
"No. Gusto ko ngang makita siya at makausap pa." Mahina kong tugon.
He sighed.
"Dapat talaga dati na ako bumalik dito sa Pilipinas para naman nabantayan kita sa kumag na yon." Hindi ako umimik sa sinabi niya. Alam kong may alam si Minho sa mga nangyayari. At alam ko ding magkaibigan sila nina Dwight.
"Let's go," aniya at nauna nang naglakad palabas ng bahay.
"Aalis na po kami Tita," paalam ko kay Tita Belle na kumakain pa ng breakfast kasama si Jaymin.
"Ihahatid ka ba ni Minho?" Nag-aalala niyang tanong. I nodded.
"Pwede ka pa namang hindi pumasok, Zia. One week pa naman yung hiningi kong excuse sa school nyo. Wag mong pilitin ang sarili mong pumasok muna." Bakas sa mukha ni Tita Belle ang pag-aalala sakin habang sinasabi niya yon.
Ngumiti ako sa kaniya. "Kaya ko na po Tita. Maayos na po ang pakiramdam ko." Sabi ko para mapanatag siya.
Napabuntong-hininga si Tita. "Sige na nga. Papayagan na kitang pumasok. Tumawag ka nalang kung may nararamdaman kang kakaiba, okay?"
"Opo." Humalik ako sa pisngi ni Tita bago lumabas na ng bahay.
Naabutan ko si Minhong may kausap sa kaniyang cellphone habang naghihintay sa kaniyang kotse.
"What? Are you crazy woman?" Napakunot noo ako. Sinong kausap niya at mukhang inis na inis siya?
"How dare her. She hunged up. That bitch!" Gigil niyang sabi at inis na sinipa ang gulong ng kaniyang kotse.
"Aga agang LQ?" Tanong ko sa kaniya.
Napalingon siya sakin. "Tss. Hindi." Badtrip niya pa ding sabi bago pumasok ng kaniyang kotse.
Pumasok nalang din ako at pinagkibit balikat ang aking narinig.
"Nandito na tayo," nakarating kami sa Wingstone University makalipas ang ilang minuto.
Hindi ko man lang namalayang nandito na pala kami. Inalis ko yung seatbelt ko bago lumabas ng kaniyang kotse.
"Tawagan mo ako mamaya. Susunduin kita." Tumango ako bilang sagot sa kaniya bago siya umalis. Sinuguro ko munang wala na siya saking paningin bago ako pumasok sa loob ng school.
This is it. Kailangan ko nang tapusin lahat. At uumpisahan ko na yon ngayon.
Mabilis ang ginawa kong paglakad papunta sa office ni Director Wilson.
Humugot ako ng malalim na paghinga nung makarating ako sa office niya. Kumatok muna ako bago tuluyang pumasok.
Secretary niya yung una kong nakita. "Yes Miss?" Anang magandang secretary niya sakin.
BINABASA MO ANG
The Bad Boys Tutor
Novela Juvenil[COMPLETED] [WINGSTONE Series #1] Zia Park. Isang certified good girl. Mula ng mamatay ang kanyang magulang ginugol nya ang kanyang oras at panahon sa pagtulong sa restaurant ng kanyang Tita at sa kanyang pag-aaral. Matalino, mabait, at masipag. La...