Prologue

70 2 4
                                    

"S-sorry mama, papa, kung saan man kayo. S-sorry kasi naging pabigat ako, 'di niyo naman pala ako tunay na anak pero hinayaan niyong mabuhay pa ako at inalagaan niyo ako pero iba yung binigay ko sa inyo. Sorry talaga ma, pa. 'Di ko na kasi kayang makasama pa si tita eh!" napaluha ako at napapikit, handa na akong tanggapin na tatapusin ko na ang buhay ko.

"Paalam mundo, paalam sa lahat."

Ninamnam ko ang aking pag-iyak bago tuluyang hayaan ang sarili ko na mahulog pero biglang may humila sa kamay ko at sumakit ang pwet ko nang napa-upo ako sa sahig,

Galit na sumilip ako sa taong pumigil sa akin,

"Paano ka naka-pasok dito sa building na ito?" tanong ng isang lalaki, natulala ako nang makita ko siya, hindi siya gaanong payat ngunit hindi rin naman mataba, kayumanggi ang balat, makapal ang kilay, medyo bilog ang mata, medyo matangos lang ang ilong pero mapula ang kanyang labi.

Ngayon ko lang siya nakita, posible kayang dito siya nakatira? Focus ka, Choelle. Focus. 

"Malamang dito ako nakatira dati pero pinalayas na ako!" sigaw ko at kumunot naman ang noo niya, "Ano bang ginagawa mo dito ha?" tapang-tapangan na tanong ko, 

"Eh ikaw, anong ginagawa mo dito?" tanong niya pabalik,

"Malamang magpapakamatay!" matapang na sagot ko at tumayo, 

"Bakit dito pa?" tanong niya muli,

"Trip ko, panira ka!" Sigaw ko sa mukha niya at napa-atras naman siya, 

"Bakit hindi ka bumalik sa kinatatayuan mo kanina? Papanoorin kita kung paano ka magpakamatay."

Oo nga noh? pero chee paki niya ba?!

"Paki mo? Kung hindi ka lang sumulpot, sana patay na ako!" Sigaw ko sa kanya,

"Anak ka ba sa labas?" tanong niya,

"Ano namang paki mo dun?" mataray na tanong ko,

"Wala, pero kung nasasaktan ka dapat malaman mo pa ring hindi solusyon ang magpakamatay." nanlaki ang mata ko sa sagot niya,

"So, kanina mo pa ako pinapanood?" Tanong ko,

" 'Di kita pinapanood, pinakikinggan lang." Sagot niya at agad na piningot ko ang tenga niya,

"Hoy! hoy! Wala kang karapatang hawakan ako!" biglang sabi niya,

"Eh! Kasalanan mo kung bakit hindi pa ako patay!" naiinis na sigaw ko,

"Edi papatayin na lang kita!" Sigaw niya pabalik at saka ko binitawan ang tenga niya,

"Sira ba ulo mo? Tanggap ko pa yung sarili ko ang patayin ko kaysa may papatay sa aking iba!"

"Tsk, mas sira ba ulo mo? Iiwan mo ang mundong 'to  dahil lang anak ka sa labas?" tanong niya,

"Wala ka naman kasing alam!" sigaw ko at nagsimulang umiyak, napaupo ako sa sahig,

"May pamilya ako,  tinakasan ko ang pamilya ko nung nalaman kong ampon lang ako, ang tatay ko kasi nasa Cagayan nagtratrabaho, kaya nakatakas ako."  

"Nahuli ako ng isa sa mga tita ko, si tita Raxel, sobrang bait niya sa amin kaya natutuwa naman ako nung kupkupin niya ako, sobrang saya ko noon, lalaki." hindi naman siya umangal at nakikinig lang kaya tumuloy ako sa pagkwento,

"T-tapos...natapos ko ang 2 years ng HRM na course sa tulong ni tita, pero nung magt-third year na ako ngayong summer, n-nagkaroon sila ng problema sa pera, 'di ko alam ang maitutulong ko, kaya nagkukulong na lang ako sa kwarto. Pero isang araw biglang padabog na binuksan ang pinto ng kwarto ko." umiiyak nanaman ako,

"Si tita, t-tinayo ako gamit ang buhok ko. Ang sakit, biruin mo? Kakagising mo lang tapos ganon?" Kunwari pang natawang sabi ko,

"S-sinubsob niya ako sa cr, sabi niya maglinis daw ako, puro na lang daw ako tulog at walang ambag sa kanila." nahihirapang kwento ko sapagkat ang sakit sa pakiramdam balikan ang ala-alang iyon,

"Naglinis ako...nilinis ko kahit ayaw na ayaw ko ang c-cr sa parte ng bahay, dahil para sa akin kadiri, ewan ko ba't ganon, tapos ganon na l-lang lagi." sabi ko at pinipilit na pakalmahin ang sarili ko,

"Ito ako ngayon magpapakamatay kasi ayaw ko na, walang paki sa'kin ang mama ko pero buhay pa naman siya. Tapos tinaboy na ako ng tita ko. Napalayas pa ako dito sa appartment na 'to! Ang grabe ng buhay ko!" pasigaw na sabi ko at umiyak, 

Hanggat naaalala ko lahat, talagang nasasaktan ako...

"Ano bang nangyari kung bakit nasabi mong walang paki ang mama mo?" Tanong niya at nilingon ko siya, "Okay lang kung hindi mo sagutin." sabi niya at para akong lasing na ngumiti,

Umiling iling ako, bumuntong hininga, daig ko pa ang baliw sa inaasta ko ngayon.

"Alam mo ba? Yung nanaaaaay kong 'yon, dati akala ko pumunta siya sa bahay ng tita ko para bawiin akoooo, pero..."  umiling ulit ako at may tumulo nanamang luha,

"...pero kasi, yung nanay mong pumunta lang para mag-abot ng pera para sa third Year college mo? Ha ha ha."  Sarcastic akong tumawa,

"Aanhin ko yun kung wala naman siya? Dun ko lang kasi talagang napatunayan na hindi ako kawalan! Yung kahit mamatay na ako, gaya ng plano ko, wala silang paki sa akin! Kasi wala lang ako!" Sigaw ko muli at lumapit siya sa akin, yumakap siya sa akin,

"Tss..." singhal ko, "May payakap yakap ka pang nalalaman" sabi ko,

"Naawa lang ako." Sabi niya at biglang bumitaw sa yakap niya na para bang isa lang akong unan.

Natatawa akong pinunasan ang mga luha ko, nahihibang na yata talaga ako.

Saglit kaming nanahimik, pinakalma ko muna ang sarili ko at nang kumalma ako ay hindi pa rin siya umaalis,

"Dapat kasi ay hinayaan mo na lang ako." mahinang sabi ko pero sapat na upang marinig niya,

Napasinghal siya at lumingon sa kung saan,

"Tumayo ka na ulit doon at ituloy ang plano mo." walang ekspresyong aniya,

"Baliw ka ba?" tanong ko,

"Hindi, pero 'di ba gusto mo nang magpakamatay?" tanong niya at napalunok ako,

"Eh!? N-nawala na ako sa mood." nauutal na sabi ko, baliw na ba ako?

"Sus, sabi mo lang kanina pagod ka na, talon na!" aniya at bigla siyang tumawa,

Hindi ko alam kung anong magiging reaksiyon ko, saglit akong nagulat pero inayos ko ang ekspresyon ng mukha ko,

"Anong nakakatawa ha?" nagtataray-tarayang tanong ko,

"Tsk, bakit ba kasi naglayas ka pa sa mama mo--"

Ito nanaman tayo, binabalik niya nanaman ang sakit sa puso ko.

"Sana hinanap man lang niya ako 'di ba? Sana bawiin naman niya ako sa tita ko 'di ba? Pero hindi! Hindi! Hindi!" Sigaw ko muli sa kanya at naiiyak nanaman ako,

"Ang grabe kasi eh, noong bata pa ako ramdam ko nang ampon ako pero sabi nila hindi, tatanggapin ko naman eh! Tatanggapin ko! Tapos bigla bigla ko na lang malalaman na ampon lang talaga ako?!"

"Paano mo nalaman? Sa paano-"

"Ayaw ko nang pag-usapan, sige, aalis na ako." paalam ko habang nagpupunas ng luha,

"Saan ka pupunta?" tanong niya,

"Sa kalsada na lang ako matutulog, baka may maawa pa at--"

"Doon ka na muna sa lugar ko." sabi niya at seryoso siyang tumingin sa akin,

"Ha?" tanong ko,

"Kailangan ko pa bang ulitin?" tanong niya at umiling ako 

"Tara na! Saglit lang ako doon, summer naman kaya maghahanap ako ng mapaglilipatan, bukas na bukas din!" Sabi ko,

Sayang naman yung chance na may lugar ako kahit isang gabi lang.

"Okay." Ngiwi nito sa akin,

Hmmm..Ano kayang mangyayari?

To Love SomebodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon