Chapter 3

19 2 0
                                    

Zariana Choelle's POV

"Choelle." panibagong araw, panibagong tawag nanaman sa akin,

"Po?" Pasigaw na tanong ko pero gulat ako, paglabas ko ay bumungad sa akin si Kuya Carl,

Agad ko siyang niyakap, 

"Oh? Grabe ka Choelle!  Bumaba ka na! naeexcite na ang mga anak kong makita ang paborito kong pinsan." natutuwang sabi ni kuya Carl,

"Nako kuya, 'di pa ako nakakaligo, nakakahiya-"

"Ayos lang yun! 'Di naman maarte ang pamilya ko." pigil niya sa sinabi ko kaya napailing na lang ako,

Sabay kaming bumaba at agad na bumungad sa kanya ang dalawang munting bata,

"Ok ok, relax...siya ang ate Choelle niyo, ang sinabi ko na paborito kong pinsan."

"Hi tita Choelle, I'm Coral. " "Hi tita, ako naman po si Raline."

"Hi Coral! Hi Raline! Hi Coraline!" Biro ko at parehas silang natawa,

"Doon ko nga kinuha ang pangalan ng dalawa." Natatawang sabi ni kuya Carl,

"Siya nga pala ang asawa ko, si Sea."

"Hi po, Ate Sea." maligayang bati ko at bineso siya,

"Hi, Choelle!" bati naman niya pabalik, 

"Kaya maglinis ka na ng banyo!" Pagalit na bulong sa akin ni tita Raxel, Banyo, banyo, banyo, puro na lang banyo! May lahing banyo ba 'to!?

Agad naman ako napabuntong hinga at nagpaalam kanila kuya na mag-aasikaso na muna ako. 

"Ano bang gagawin mo?" Tanong ni kuya Carl, "Mayroon siyang trabaho dito." mataray na sagot 

Hindi ko na sila pinakinggan dahil naiinis ako, dumiretso na lang ako sa banyo at nagsimulang maglinis. Naligo na rin ako pagkatapos at nilabhan naman ang uniform ko para sa trabaho. "Lunch na po tita, tara na po." Yaya sa akin ni Coral,

"Sige sige tara, baba na tayo. Sorry Coral ha, marami lang talagang dapat gawin si tita kasi mamaya  magtratrabaho pa ako."

"Di ba po, magthird year pa lang po kayo? Bakit kayo magtratrabaho?"

"Para may pang-aral ako." Sagot ko,

" 'Di po ba kayo tinutulungan ni lolo at lola?"

"Opo, tinutulungan ako pero siyempre kailan may sarili akong pera, nakakahiya kasing hingi ng hingi sa kanila." Sagot ko,

"Apo, tara kain!"  Napalingon kami kay tita Raxel at masama nanaman ang tingin niya sa akin, 

"Tita, hindi ako makakasali, kailangan kong puntahan yung condo ko." Sabi ko,

"Condo mo?" Tanong ni ate Sea sa akin,

"Opo eh." sagot ko lang,

"Sabi sa akin ni Carl, dito ka daw tumitira, bakit may condo ka?"

"Simula daw po ngayon, three days na lang po ako dito." Sagot ko,

"Kailangan mo ba ng kasama-"  agad ko namang pinutol ang sasabihin ni ate Sea, "Hindi  na po ate, kaya ko naman po mag-isa." nakangiting sambit ko at tumango lang siya,

 "Oh sige mag-iingat ka papunta doon ha?" sabi ni ate Sea,

"Ate Sea, thank you po." Sabi ko lang,

Pagkadating ko sa condo ay saktong nandoon na nga ang mga gamit na sinabi ni tito, 

"Hmm, saan kaya magandang ipwesto 'to?" Tanong ko sa aking sarili,

"Sa wakas naipadala na, mag sign na lang po kayo ma'am, pinapadala po kasi ni Sir Carl Santiago ito." Sabi ni manong at nag-abot sa akin ng papel at ballpen, si Kuya?? 

To Love SomebodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon