Choelle's POV
Hindi ko pa rin makalimutan yung pag imbento ko na boyfriend ko si Dwayne..hayss, ang mahal ko!
"Di ba ngayon yung announcement ni Miss Yem?" Tanong ni Vinze,
"Yup!" ako naman ang sumagot,
"Ah, tungkol saan naman kaya?" tanong ni Vallen,
"No clue.." pout ko,
"Stop pouting." Bulong ni Gian na nasa likod ko,
"Tsk, pake?" Singhal ko,
"Bilisan niyo na lang pauwi mamaya ha? Walang bantay dito sa bahay eh." Biglang singit ni Vallen,
"Oo, sige, alis na kami ah!" Paalam ko,
Nang nakalabas na kami,
"Anong sabi nila tungkol sa pag enroll natin?" Tanong ko,
"Bakit di mo pa tinanong sa kanila?" tanong niya pabalik,
"Akala ko ba natanong mo?" gulat na tanong ko rin pabalik,
"Natanong ko pero hindi yung sagot nila."
"Ha?" Naguguluhan kong sambit,
"Nevermind." Iling niya,
"Pero ano nga?"
"Baka hihintayin muna nila yung announcement ni Miss Yem bago magdesisyon." Kibit balikat niya,
"Kailangan ready tayo kasi ang dami pa nating gagawin at kailangan sa school, tulad ng books, bag, and uniform." sambit ko,
"We have a lot of time." nakangisi niyang sabi,
"Sus! Time is gold kaya!" giit ko naman,
"Okay, saka na natin isipin yan, sumakay na."
Pagkadating namin doon sa coffee shop,
"Late?" Tanong ni Jannae,
"Oo eh, 'di ba obvious?" Sarcastic na tanong ko,
"Oh siya! Trabaho na!" Sabi niya,
Nagtrabaho lang kami ng nagtrabaho, grabe naman, hindi nauubusan ng tao, ano kayang okasyon? Pero madalas ngayon ay mga bussinessman.
"Hmm, grabe ang mga tao ngayon."
"Oyez! 'Di ka pa ba sanay? ito oh, dalhin mo sa table number 34." Sabi ni Jannae at inabot sa akin ang isang order,
"Take out ito ah?" Natanong ko na lang sa aking sarili, agad akong lumapit sa binatang parang kasing edad ko lang,
"Sir, ito na po ang inyong order." Ngiting ngiti na sabi ko, hehe kagood mood naman mukha nito!
"Ah, salamat." Ngiting ngiti din naman siya, saka siya tumayo,
"Uh, sir?" Patanong na tawag ko at tumingin naman siya sa akin na para bang nag-aabang sa aking sasabihin,
"G-gwapo niyo po." Sabi ko,
"Ah, pati ba naman dito may nagkakagusto sa akin?" Biro niya at inangat niya ang kanyang kamay para
pisilin ang pisngi ko."Pero salamat, ikaw din..maganda." nakangiting sabi niya at saka na tumalikod sa akin,
Yung boses niya! Jusko po...
Atsaka...
WAHHH!
maganda daw ako! >.<
Pumunta na ako kay Jannae ng siyempre ipit ang boses,
Kyaaaaa!
"Kilala mo si kuya?" Gulat na tanong niya,
BINABASA MO ANG
To Love Somebody
Roman pour AdolescentsA story wherein a girl named Zariana Choelle Santiago loses hope and will to live as she discovered the unbearable truth about her family. Everything changed when she met Gian Carlos Arthur and his three other friends. (This story is under revision...