Chapter 31

6 1 1
                                    

Choelle's POV

Sa loob ng dalawang buwan ginawa nila mom ang proseso para pwede na akong tumira sa States at inasikaso na rin nila ang passport ko, habang busy sila doon, napagdesisyunan ko na munang ipagpatuloy ang pag-aaral ko sa school na pinasukan ko, nahirapan nga lang akong makisama sa mga estudyante dahil iba na ang ugali nila, naging wild.

Napag-isip isip ko na mahihirapan lang ako kung ipagpapatuloy ko ang pag-aaral ko sa States, kaya kung kailangan ko silang kausapin para dito na magtapos ay gagawin ko.

"Princess, welcome home! How's school?" Tanong ni mom,

"Ayos naman mom, pero nakakapagod!" Reklamo ko at napatawa sila dad,

"May surprise kami ng dad mo sa'yo!" Sabi niya,

"Ano po yun?" Tanong ko,

"Pwede ka nang tumira sa States!"

"TALAGA PO?!" Gulat na tanong ko at ngumiti sila,

Ngumiti ako pero napawi rin iyon nang sumagi sa isip ko sila mama,

"Bakit, Lanie?"

"Mom, pwede po akong pumunta sa pamilya ko na kumupkop po sa akin? Gusto ko po sana silang kamustahin." Sabi ko at ngumiti si mom,

"Sasamahan ka namin anak." Sabi ni dad at ngumiti ako, "Magbihis ka na."

"Ngayon na po?" Tanong ko, "Oo naman anak, kailan mo ba gusto?" Tanong ni mom,

"Ngayon na po, magbibihis lang ako!"

Nagmadali akong nagbihis at binalot ang mga binili kong laruan para kay bunso, at ang mga papel at color pencils naman para kay Lisa,

Nakangiti ako buong biyahe at mas lalong lumawak ang ngiti ko nang
makita si Lisa naglalaro sa may bakuran kasama ni Ven,

"Ven! Lisa! " Sigaw ko at nakakunot noo silang tumingin sa akin pero agad ding napalitan iyon ng abot tengang ngiti,

"Ate Choelle!" Sigaw nila at biglang umiyak si Ven patakbo sa akin, nadapa pa siya pero nagmadali siya pa rin siya para pagbuksan ako,

"Ate! Miss na miss kita, I love you ate!" Naiiyak na sabi niya at niyakap ako, niyakap ko silang dalawa ng mahigpit,

"May gift ako sa'yo...lalaruin mo 'to lagi ah?" Sabi ko at inabot sa kanya,

Tinanggap niya iyon, "Ate, hinanap ka nila mama pero 'di ka na mahanap."

"Sorry Ven, sorry." Sabi ko at naiiyak na niyakap siyang muli ,

"Sorry ate, huwag ka na umiyak." Sabi niya at umiyak din, pinisil ko siya sa pisngi, "Saan si mama?" Tanong ko habang pinupunasan ang luha niya,

"Tara ate, pasok tayo sa loob." Sabi niya at hinawakan ang kamay ko,

Lumingon ako kanila mom at sumenyas na sumunod sila sa akin,

"Ate lisa, si mama?" Tanong ni Ven,

"Nagm-make up pa daw eh." nahihiyang sagot nito,

"Sige, pupuntahan ko siya." Sabi ko at tumingin kay mom at dad,

"Papababain ko lang po si mama dito." Sabi ko,

Kumatok ako sa kwarto, "Mama?"

"Choelle?" Narinig kong banggit niya sa pangalan ko, napangiti ako at binuksan ang kwarto,

"Mama!" sambit ko at niyakap siya,

"Anak, nagmemake up ako kasi sabi ni Lisa may mga kasama ka."

To Love SomebodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon