Choelle's POV
AFTER that awkward scene, naging blangko na ang utak ko, ang naiisip ko na lang ay yung mga conclusions na nabubuo sa utak ko. Pero hindi ako pwedeng magconclude or kahit mag-isip man lang nang kung ano ano dahil wala naman itong kasiguraduhan, Hindi pwede maging basehan ang isang bagay na malabo kung titignan.
It's like being an assuming for me. Kasi siyempre naman, yun na agad ang pumasok sa isip ko? Eh I don't know naman if gusto ako ni Gian,
"Oh? Choelle, ayaw mo nang maligo?" Tanong ni Vinze,
"Nope, baka this time kunin na talaga ako ng sirena." Natatawang biro ko,
"Okay." Kibit balikat niya,
Pinanood ko pa silang maligo pero si Gian nasa Cr, mabuti na rin yun para makamove on ako sa nangyari kanina,
"Hey."
Speaking of..
"Oh?"
"Ayos ka lang ba?" Tanong niya,
"O-oo naman, why not?" Nauutal utal na tanong ko,
"Dahil sa sinabi ko kanina." sagot niya,
"Its n-not about me naman, 'dba?" Utal utal pa ring tanong ko,
"Ewan ko." Kibit balikat niya, saka ako napalingon,
"It's not about me." Sabi ko na para bang siguradong sigurado,
"Hmm mmm."
"Can you tell me the truth?" tanong ko at tumingin sa kanya,
"Anong truth?" Tanong niya pabalik at tumitig siya sa akin,
"Sabi mo nagseselos ka-"
"Wala akong sinabi." Putol niya,
"Its just the same! Kanino ka ba nagseselos?! Bakit ka nagseselos!? Ano bang problema mo!? You don't really need to change ng seryoso as Vallen, kasi ikaw yung jolly na Gian!"
Walang tigil na sabi ko,Nakakafrustate naman siya, tsk.
"Paano napunta si Vallen sa usapan?" Plain na tanong niya,
"You're acting like him! Ano ba kasing problema? Ha?! Nahahawa na ako kay Vinze sa inis sayo eh!"
"Walang problema and I'm not acting like him, please note it to yourself, kasi kung may gusto man akong gayahin, yun yung taong ginugusto ng gusto ko."
"What the? Sino naman yang gusto mo at nanggagaya ka kay Vallen?!"
"I said hindi ko siya ginagaya, slow ka ba o pa slow ka lang?"
Wow..just WOW.
"WOW. Ako pa ang slow o pa slow?? Kung hindi si Vallen ang ginagaya mo, then sino?!" Hamon ko,
"I want to end this conversation." Sabi niya at tumayo, para naman akong sinaksak sa puso sa ginawa niyang pag-iwan sa akin, laglag ang panga ko habang sinusundan siya ng tingin,
"Ano ba kasing problema niya!?" iritableng tanong ko sa aking sarili,
"Anong meron?" Biglang singit ni Vallen at umupo siya sa tabi ko,
"Eh kasi nakakainis! Bigla bigla na lang siyang nagbago, naging seryoso, hindi naman siya yun eh! Diba nga siya yung lalaking kakakiba? Yung lalaking kung maaari ay ayaw ka niyang makitang malungkot? Siya yung jolly na Gian! At siya yung pari na Gian." Naiinis na sambit ko sa sarili ko,
"Baka may problema lang siya."
"Yes! Meron talaga! At alam mo ba? Iniisip ko na ginagaya ka niya!"
BINABASA MO ANG
To Love Somebody
Teen FictionA story wherein a girl named Zariana Choelle Santiago loses hope and will to live as she discovered the unbearable truth about her family. Everything changed when she met Gian Carlos Arthur and his three other friends. (This story is under revision...