Choelle's POV
Maaga akong nagising ngunit iba ito kung ikukumpara ko sa nakasanayan ko tuwing gigising. Hindi ko alam pero tinatamad akong pumasok sa trabaho, tinatamad akong kumilos.
Hay, kapag wala talaga sila parang nakakatamad.
Mahalaga na sila sa akin, sila ay parte ng ligaw na buhay ko, Sila ang nagl-lift up sa akin at sila lang nakaintindi sa magulo kong ugali.
'Punta ka na sa trabaho.' Bigla kong naisip si Gian kaya napangiti ako,
"Grabe, gusto mo talagang maguilty ako Gian?" Napapailing na sabi ko at kumilos na,
||~||~~||~~||~~||~~||~~||~~||
"Choelle, ang tamlay mo yata? Saglit lang ng lunch break natin kaya bilisan mo." Sabi ni Jannae,
"Ahh oo."
"So, wala si Gian dahil may school? Right?" Tanong niya at tumango ako,
"Kaya pala matamlay ka naman? Kailan ba pasok mo?"
"Next week." Sagot ko,
"Kami din ni Destin..so, ano gala tayo later?"
"Sige ba, kaso ipagluluto ko pa sila Gian."
"If you want, bili tayo sa grocery ng lulutuin mo. Then pakainin mo na lang din kami ng dinner sa inyo, Game?" Tanong ni Destin,
"Sige, why not?" natutuwamg sambit ko,
"Aalis na kami sa linggo, ikaw?" Tanong ni Destin,
"Aalis na rin sa linggo." sagot ko, "May mga kapalit na kaya tayo?" Tanong ko pa,
"Magkakaroon din yan, naghahanap naman na sila atsaka pinapunta ko yung pinsan ko dito para habang nag stop muna siya sa pag-aaral, mag part time job muna siya." Kwento ni Jannae at tumango ako,
Lumabas kami at nakita si Miss Yem,
"Dapat makahanap tayo ng new workers ASAP." sabi nito sa isang tao,
Lumapit kami sa kanya, "Ma'am, tutulong kami." Bigla na lang sabi ni Jannae,
"Thank you." Sabi niya at ngumiti, Mukhang malungkot si ma'am ngayon ah?
"Kung kailan nagiging successful na ang negosyo saka naman kayo aalis, pero I'm happy na mag-aaral na ulit kayo." aniya at ngumiti kami
"May papalit po sa amin Miss Yem, promise yan." Sabi ni Destin,
"Sa linggo na kayo aalis 'di ba? Sa linggo niyo matatanggap ang huling sweldo niyo." aniya at naexcite kaming lahat,
"Thank you Miss Yem!"
Bati namin at nagback to work na muna,
Sa gilid ng mata ko parang may babae na nakatingin sa akin, tumingin ako sa direksyon na iyon pero wala naman palang tao,
"Ang weird." Nasabi ko,
Napatingin si Jannae sa akin tapos doon sa direksyon na tinignan ko,
"Choelle, ano yon?" tanong nito,
"Wala lang naman." sagot ko at tumango siya, muli akong tumingin sa direksiyon na iyon at wala talagang tao,
Ang creepy..ano ba itong nangyayari sa akin?
||~~||~~||~~||~~||~~||~~||~~||
Lenrald's POV
Tahimik kong pinagmasdan ang aking magulang na nag-aaway sa sofa,
BINABASA MO ANG
To Love Somebody
أدب المراهقينA story wherein a girl named Zariana Choelle Santiago loses hope and will to live as she discovered the unbearable truth about her family. Everything changed when she met Gian Carlos Arthur and his three other friends. (This story is under revision...