Chapter 2

23 0 0
                                    

Zariana Choelle's POV

"Choelle."

"Po!?" Agad akong tumayo sa kinauupuan ko, akala ko kasi ay si tita Raxel ang tumawag sa akin, si tito pala.

"Maligo ka na at pupuntahan natin yung sinasabi mong trabaho, inayos ko na kagabi ang mga papel mo, actually all the papers needed para sa pag-aapply mo ay nasa akin na."

"Paano po nangyari 'yon?" nagtatakang tanong ko,

"Pinadala sa akin ni ate." sagot niya naman, 

"Ahh." sabi ko lang, ayaw ko nang alamin kung kailan, malamang dati pa, talagang tinataboy na nila ako noh?

Wala talaga siyang paki sa akin?

"Sige tito, maliligo na ako." Sabi ko,

"Magtoothbrush ka na muna kasi naliligo ang tita mo." Sabi niya at tumango ako,

Binilisan kong bumaba ng hagdan,

"Excited na ako." biglang sabi ko sa sarili ko,

"Choelle." Biglang tawag ni tita,

"P-po?"

"Magstay ka na muna ng three days kapag nandito na si Carl, he want you to meet his family, tsaka ka na lang pumunta sa condo mo kung nakilala mo na ang pamilya niya." Sabi niya kaya naman ngumiti ako,

"Sige po, tita."

"Don't be so happy." sabi naman niya at sumimangot na lang ako, ipinakita iyon sa kanya,

Sabi niya don't be so happy eh,

Papagalitan nanaman sana niya ako kaso dumating na si tito, "Ligo na." Sabi niya at pumasok na agad ako sa cr,

"Excuse me, pwede bang mag-apply bilang Play center attendant dito? " Tanong ko,

"Can I talk to your manager?" Sosyal na tanong ni tito at tumingin sa akin,

"Blah blah blah blah" hindi yan yong saktong sinabi niya pero hindi ako masyadong nakikinig, o kung magpapakatotoo ako sa sarili ko, ayaw ko lang talagang pakinggan.

"Tara, puntahan na natin yung manager." nakangiting sambit ni tito at tumango naman ako,

"Okie!"

Pinuntahan namin ang manager ng play center at sa hindi inaasahan, "What can I do for you?" Tanong ni....

"Ate Chai?/Chailyn?" Sabay naming tanong ni tito,

"Oh, Dex? Anong ginagawa niyo dito? Makikipagbalikan ka na ba sa akin?" Nakangiting tanong nito na nagpaawkward ng sitwasyon namin,

"Joke." agad na bawi naman niya, Nagkatitigan lang sila ni tito,

Gumanda kasi si ate Chai, hindi tulad ng dati na parang multo sa puti at laki ng eye bags, siguro inaalagaan na siya ng iba. 

"Kung pwede po ate Chai, mag-aapply sana ako bilang play center attendant." Sabi ko,

"Um..nangangailangan kasi kami ngayon pero pumasok muna kayo sa office ko." Sabi niya, at sumunod kami,

"Kailangan namin ng apat ngayon, pero hayaan mo na iyon."

"kung gusto mo ay magsimula ka na sa saturday, 6pm to 9pm?" Nakangiting tanong niya pero kay tito nakatingin, astig rin eh noh?

"Ang kaso po kasi kapag mag-aaral na po ako, hindi--"

"Don't worry, halos lahat ng nagtrabaho sa akin ay working student, Mag-umpisa ka sa saturday tulad ng sabi ko kanina." Sabi niya at saka lang lumingon sa akin,

To Love SomebodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon