Chapter 5

22 1 1
                                    

Zariana Choelle's POV

"Dito ka lang pala talaga," bulong ko habang pumapasok sa condo niya.

"Oo kaya nga hindi ako naniniwala na taga-dito ka." seryosong sabi niya pero nakaramdam ako ng guilt,

"Sorry, nagsinungaling ako." sincere na sabi ko at tumingin sa kanya, 

"Ayos lang 'yon, ang importante hindi mo naituloy yung binabalak mong gawin." aniya at tipid na ngumiti,

"Bakit hindi mo na lang ako hinayaan?" nagtatakang tanong ko,

"Nag-iisip ka ba?" tanong niya na para bang nang-iinsulto,  "Siyempre hindi kita hahayaan, baka isipin pa nila ako ang pumatay sa'yo, makukulong pa ako kahit hindi naman dapat." 

Sandali kaming natahimik,

"Kung gusto mo maligo ka--"

"Asan ba yung mga sinasabi--"

Naputol kaming magsalita pareho dahil sabay pa kaming ng initiate ng usapan,

"Sige, ikaw muna." ngiti niya sa akin,

"Ha? Hindi, ikaw na muna.." napapahiya kong sabi,

"Sabi ko kung gusto mo maligo ka na muna." aniya at agad akong umalerto,

Naaamoy na niya siguro ako, nakakahiya!

"Uhm mabuti pa nga, pasensya na ah mukhang kanina mo pa ata ako naaamoy." Nahihiya kong sambit,

"Hindi yun! Baka kasi parating na yung mga kasama ko eh." paliwanag niya at tumango lang ako,

Kinuha ko yung twalya ko sa aking bag tsaka kumuha na rin ako ng damit at ng iba pang gamit para sa pagligo, Finally! Makakaligo na rin.


"Hay salamat at sa wakas naka-ligo na rin." sabi ko sa aking sarili nang makalabas ako ng banyo, napa-kurap ako nang tumama ang aking ilong sa dibdib niya, ang tangkad naman ng lalaking ito. 

"Oh? Naka-abang ka?" tanong ko sa lalaki,

"Babantayan kita kasi baka hindi mo pa kabisado dito." sambit niya at marahan lang naman akong tumango, Hindi naman ako mawawala sa loob ng condo nila ah?

"O-okay." 

"Anong gusto mong kainin?" tanong niya sa akin at umiling ako, 

"Gabi na, matutulog na lang ako." sambit ko at tumango siya, 

"Gano'n? Pagod ka na siguro, dito ka na matulog." sabi niya at tinuro ang higaan,

"Uhm, Hindi na, doon na lang ako sa may study table niyo." Sabi ko sabay turo 

"Sus, nahiya ka pa." giit niya at napakagat labi ako sa pag-insist niya,

Patuloy pa rin akong umiling, "Ayos lang talaga ako sa study table at isa pa nakikitira lang naman ako."

Idagdag mo pang nakashort lang ako at puro lalaki pa ata ang makakasama ko, hindi naman short shorts pero hindi ako sanay na ganito ang suot lalo na pag may kasamang iba, Ugh, Seriously Choelle? Hindi ka sanay na nagshoshort pero nakashort ka ngayon? And ang pinaka worst pa ay may kasama kang iba! At lalaki pa! 

"Oh sige, kung yan ang gusto mo, babantayan na lang kita." Hindi ko naman kailangan ng bantay, hindi ko naman sila nanakawan, bakit kaya todo ang pagdududa ng lalaking ito?

"T-tunganga muna ako sa bintana." paalam ko,

"Okay, kung yun ang gusto mo."


"UY, pari! Bakit may kasama kang chix?" Isang boses ng lalaki ang gumising sa diwa ko,

"Ang ingay niyo masyado! Tinulungan ko na lang kasi siya!" 

To Love SomebodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon