Vinze 's POV
Pinagmamasdan namin ngayon si Gian sa inaasal niya, ramdam mo talaga ang sakit sa pagkawala ng minamahal niya. Para siyang namatayan dahil lagi siyang nakatulala, kahit blangkong mukha ang ipakita niya ay malalaman mo ang tunay na emosyon sa kanyang mga mata, nadudurog ang puso niya kahit hindi niya sabihin, nalulungkot akong makita na ganito ang taong parating inaangat ang taong negatibo sa buhay.
Nalulungkot akong unti-unting nawawala ang Gian na nakilala namin,
Iba na rin ang paraan ng pakikipag-usap niya sa amin, para siyang nagrerebelde, hindi na rin siya pumapasok sa school niya, ilang buwan na, at kung papasok naman sa mga buwan na iyon ay magkacutting lang din naman,
"Tulala na lang siya lagi, ano bang nangyari sa huli nilang pagkikita?" Bulong ko kay Astro,
"Wala naman siyang sinabi sa atin, simula nung nawala si Choelle dito, hindi na siya palasalita." Pabulong na sagot niya,
"We need to cheer him up! Three months na siyang hindi pumapasok at wala sa sarili! Dapat may gawin na tayo." Sabi ni Vallen at tumango ako,
"Yayain natin sa mall?" Tanong ko,
"Tara." Sabi ni Vallen,
Lunapit kami kay Gian at ngumiti, "Gian, gala tayo sa mall?" Tumigin siya sa akin at nagbigay ng isang malamig na tingin,
"Kayo na lang." Sagot niya at umiling ako, "Hindi pwede! Kasama ka dapat dahil malulungkot kami." Sabi ko at umiling siya,
Tinapik ko siya at napatingin siya sa akin kaya nagpuppy eyes ako, tumayo siya, "tara." Sabi niya at pumalakpak ako,
Effective pa rin pala puppy eyes ko?
By the way, We will make this a great start to cheer you up!Habang naliligo muna siya nakagawa kami ng OCUG rules.
Oplan Cheer Up Gian.
#1
Avoid bringing up the past
#2
Avoid chowking restaurant
#3
Just make him happy and make him forget about his heartbreak.
#4
Make him study again. (Four months siyang hindi pumapasok ng may matinong ginagawa.)
#5
Always be a joker, Vinze. Kahit korni.
Wink wink, let's start OCUG!!
Gian's POV
"Hey! kain muna tayo sa maraming seafoods." yaya ni Vinze at umiling ako,
"Chowking tayo." suggest ko, I miss her.
"Nooo! Ayaw namin dun, panget dun." Reklamo niya,
"Chowking ako." Sagot ko at umiling sila pero sumunod lang din naman,
Napailing ako,
"Ayaw niyo ng chowking diba? alis na." Sabi ko at umiling muli si Vinze,
"Tsk, ayaw ko lang naman maalala mo si Choelle." Sabi ni Vinze at biglang bumilis ang tibok ng puso ko,
"Kahit kailan hindi ko siya makakalimutan, malaki ang nabago niya sa akin, paano ko siya makakalimutan?" Tanong ko at umiling na lang ulit sila,
"Nandito tayo sa mall para mag-enjoy At makapag-usap usap." Sabi ni Vallen at tumango ako,
BINABASA MO ANG
To Love Somebody
Teen FictionA story wherein a girl named Zariana Choelle Santiago loses hope and will to live as she discovered the unbearable truth about her family. Everything changed when she met Gian Carlos Arthur and his three other friends. (This story is under revision...