Choelle's POV
As usual...Paggising ko wala nanaman sila, pumunta ng school siyempre, but before everything else, titignan ko na muna cp ko, baka naman nagreply siya sa akin kahit papaano..
Bumagsak ang balikat ko, wala eh...
Matamlay tamlay akong pumasok ng banyo,
Binuksan ko ang shower kit ko, at may papel akong nakita don,
Hindi siya crumpled kaya tinignan ko ito,
Baby,
It's me. I'm sorry kung hindi na ako nakareply sayo kagabi, hindi ko kasi naramdaman yung vibration ng phone ko, I'm busy looking for the materials I need. Thank you for waiting for me, I'm sorry dahil hindi kita naabutang gising kagabi. I miss you and I love you.
Napangiti na lang ako, "I miss you, and I love you, too."
May ways talaga siya kung paano ako magaganahan na lang bigla.
Wala namang special na nangyari ngayon, umuwi ako pagkatapos ay nagluto para sa kanila,
Umalis na ako agad para pumunta sa trabaho, Hinanda ko na ang lahat, handa na akong magresign,
"Choelle! Pumasok ka!" Gulat na sabi ni LR,
Napatayo pa siya ah? Miss naman ako ^_^
"Magreresign na ako." Sabi ko at dismayado siyang napatitig sa akin,
"Ohh, ngayon na?" Tanong niya,
"Mamaya after work." sabi ko at
Niyakap niya ako bigla kaya natawa ako, "Kung pwede lang sabihin ngayon, ginawa ko na." Bulong niya,
"Ang alin?" Tanong ko,
"W-wala yun, sige sulit sulitin mo nang kasama ako." sambit niya at tumaas isang kilay ko habang nakangisi,
"Mamimiss mo 'ko?" Asar ko at in denial naman siya kaya inasar ko lang siya ng inasar.
|||~~||~~||~~||~~||~~||~~||~~||
kumatok ako sa office ni Ate Chai,
"Pasok." Sabi nito kaya pumasok ako,
"Oh, Choelle? Anong sadya mo?"
"I'm going to resign na po." Sabi ko at ngumiti siya, hindi man lang nagulat,
"Expected." Sabi niya, kinuha sa akin yung letter saka niya ako pinaupo,
"So, kailan ang pasukan niyo?" Tanong niya, habang tinignan ang resignation letter ko,
"Sa monday na po." Sagot ko at tumango ito,
"Ahh, pwede ba ako magshare?" tanong niya at tumango naman ako,
"Yes po."
"Tuwing nakikita kita, naalala ko ang past namin ng tito mo." sabi niya at napatitig ako sa kanya,
"Po?"
"Baka nga m-mahal ko pa rin ang tito mo, C-choelle." aniya at lumapit ako sa kanya, she's crying!
"Bakit? Anong nangyari ate Chai? Bakit po ba naghiwalay kayo ni tito?" Tanong ko,
Inilabas niya ang tissue niya, ginamit ito pamunas ng luha niya,
"Kilala mo naman kami ng tito mo, sobrang mahal namin ang isa't isa, sa sobrang mahal kulang na lang magpakasal na kami, diba noon? last na nakita mo ko together with your tito is nung First year highschool ka pa, 'di ba?" Tumango ako,
BINABASA MO ANG
To Love Somebody
JugendliteraturA story wherein a girl named Zariana Choelle Santiago loses hope and will to live as she discovered the unbearable truth about her family. Everything changed when she met Gian Carlos Arthur and his three other friends. (This story is under revision...