Chapter 4

19 0 0
                                    

Choelle's POV

NAGING maayos ang buhay ko na mag-isa, tahimik, walang pressure at hindi na ako gaya ng dati na apektado kapag na sa trabaho pero ngayon isa nanamang pagsubok ang dumating sa akin. Kung tutuusin puro pagsubok ang mayroon sa buhay ko dahil sa paglalayas, hindi ko naman kayang bumalik kanila mama dahil sa takot na baka ipagtabuyan na nila ako sa pagkakataong ito. 

HINDI ko na alam kung saan pupunta o saan mapupunta ang buhay ko, may pera naman ako pero hindi na iyon sapat at dapat ko nang tipirin kung gusto ko ituloy ang pag-aaral ko, wala pa akong naswesweldo dahil kakasweldo lang last week, atsaka three nights na akong hindi pumapasok baka tanggalin na ako.

Pinalayas na ako ni tita sa condo kanina lang...

**Flashback**

"Choelle..."

Agad na tumaas ang balahibo ko sa aking narinig, nakita ko na si tita Raxel na nakaupo sa munting sala ko,

"Tita? Paano-Bakit kayo nandito?" nagulat na tanong ko,

"Mag-impake ka na." utos niya, 

"Ha? Bakit po?" tanong ko, 

 
"Uwi ka na ulit sa atin." aniya na siyang nagpagulat sa akin,

" Hindi ka kikilos? Sa tingin mo ba magtatagal ka pa rito? Oh sige, umalis ka na at maghanap ka ng ibang mapupuntahan kung ayaw mong bumalik sa bahay."

"Tita akin po itong condo na ito." Napapailing kong sambit,

"Ikaw ba nagbayad? Pinapauwi ka na nga sa bahay namin eh! Ikaw pa 'tong maarte? Hindi naman lahat ng nandito ay galing mismo sayo! Baka nakakalimutan mong pamilya ko pa rin ang dahilan nito?"

"Eh tita.. binigay sa akin ito." Nanghihinang depensa ko habang inumpisahan ni tita ang pagsira at pagkalat sa mga gamit ko. 

End of flashback**

Hindi ko alam kung saan pupunta, naibenta ko na ang tablet ko para ipalit sa maliit na cellphone. Sinubukan kong puntahan sila tito, pagdating ko roon sabi ng mga dating kapitbahay namin ay lumipat na raw sila. 

Ngayon ay nandito ako sa harap ng simbahan upang magdasal, matagal na panahon na rin  pala akong nawalan ng pananalig, ito ba ang dahilan kung bakit ganito ang nangyayari sa akin ngayon? Pinagmasdan ko ang paligid, ikinukumpisal ko na ang nais kong gawin mamayang gabi. Yun na lang ang naiisip kong pinakamadaling paraan para matapos na ito. 

Pagkatapos magdasal ay agad akong nagbalik sa building kung nasaan ang condo ko dati pero pumasok ako sa katabing building, buti at walang guwardya, dito na lang ako magpapalipas ng gabi, paniguradong bukas ng umaga hindi ko naman na mamumulat ang aking mga mata.

Takot ako sa matataas na lugar pero gusto ko nang magpahinga, wala lang mangyayari sa buhay ko kaya tatapusin ko na lang.

"S-sorry mama, papa, kung saan man kayo. S-sorry kasi naging pabigat ako, 'di niyo naman pala ako tunay na anak pero hinayaan niyong mabuhay pa ako at inalagaan niyo ako pero iba yung binigay ko sa inyo. Sorry talaga ma, pa. 'Di ko na kasi kayang makasama pa si tita eh!" napaluha ako at napapikit, handa na akong tanggapin na tatapusin ko na ang buhay ko.

"Paalam mundo, paalam sa lahat."

Ninamnam ko ang aking pag-iyak bago tuluyang hayaan ang sarili ko na mahulog pero biglang may humila sa kamay ko at sumakit ang pwet ko nang napa-upo ako sa sahig,

Galit na sumilip ako sa taong pumigil sa akin,

"Paano ka naka-pasok dito sa building na ito?" tanong ng isang lalaki, natulala ako nang makita ko siya, hindi siya gaanong payat ngunit hindi rin naman mataba, kayumanggi ang balat, makapal ang kilay, medyo bilog ang mata, medyo matangos lang ang ilong pero mapula ang kanyang labi.

To Love SomebodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon