Vallen's POV
Nung hiniram ni Gian ang oras namin kahapon naisip ko na talagang makikipagbati na ito kay Choelle,
Masaya ako dahil doon...At ngayon, gagawin ko na ang napagplanuhan naming apat, nag- indian seat ako para makita si Choelle at gisingin siya,
"G-gian.." bulong nito,
nananaginip ba siya?
It feels like i'm so stupid.
Tutulungan ko si Gian para magkabati at umamin na siya sa taong
mahal ko..
Kung bakit ba kasi lahat na lang ng mamahalin niya ay mamahalin ko rin?
I'm so stupid to fall in love, I'm so stupid to fall in love with you Choelle..
"Choelle, gising.."
Nagising siya at napaupo, hinawakan niya ang kanyang mukha,
Napatingin siya sa akin,
"Tungkol saan ang napanginipan mo?" Tanong ko,
Kahit hindi ko alam ang nangyari, alam kong dahil yun kay Gian, alam kong siya ang nilalaman ng panaginip niya,
"Wala yun, ayaw ko nang alalahanin." Sabi nito at tumango ako,
Napabuntong hinga siya, "Mag-ayos ka." Sabi ko,
"Bakit??" Nagtataka niyang tanong,
"May pupuntahan tayo."
"May trabaho ako." Sabi niya,
"Pinaalam na kita kay Miss Yem" sabi ko rin,
"Weh??"
"Oo ito text namin." Sabi ko at in-open ang phone ko saka pinakita sa kanya ang convo namin ni Miss Yem,
"Ang haba ng text niyo." Natatawa niyang sabi,
"Pakipot yun si Maam." Natatawa ring sabi ko,
"Important ba talaga? Tsaka galing mo mag-english." aniya pero yung tanong lang ang pinansin ko,
"Oo Choelle, important 'to."
"Hay nako, Vallen ah! Pag iyan hindi! ikaw pa tuloy ang magbabayad ng absent ko doon." Nahihiya niyang sabi,
"Okay lang Choelle." Ngiti ko,
Para sayo, kahit ano.
"MALIGO KA NA!" sigaw ko at napatayo siya,
"Gosh! Ano ba Vallen?!" Natatawa niyang sabi, tumawa na ako kaya napatawa na din siya,
kinuha niya ang mga gamit niya,
"Sige na po, kuya, maliligo na po ako." Natatawa pa rin niyang sabi,
"Dapat lang, baka mainip ako at hindi na tayo pumunta." Pahabol ko bago niya pa masarado ang pinto,
To: pre Gian
Naliligo na pre hintay na lang saglit.
From: pre Gian
Sige pre, salamat.
Pumunta akong sa harap ng banyo at nag-abang, ang tagal pa rin niyang maligo, hindi pa talaga nagbabago, tsk tsk
"Oh." Nagulat niyang sambit nang makita ako sa harap ng banyo,
"Bakit ang bagal mo maligo?" Tanong ko,
"Ha? Hindi ah! Ano ka ba?"
Ang tagal ng ligo mo tss.
"Oh sige na, tara na Choelle." Sabi ko at sumunod na lang siya,
BINABASA MO ANG
To Love Somebody
Teen FictionA story wherein a girl named Zariana Choelle Santiago loses hope and will to live as she discovered the unbearable truth about her family. Everything changed when she met Gian Carlos Arthur and his three other friends. (This story is under revision...