Choelle's POV
"Anong kakainin natin dun?" Takang tanong ko,
"Ito na nga eh, nasa palengke na tayo oh? Ano bang gusto niyo??" tanong ni Vinze,
"Mag-ihaw na lang ng bangus or barbeque." Suggest ni Astro,
"Saglit lang ba tayo doon?" Tanong ko,
"Hanggang hapon lang tayo eh, kung gusto niyo, maiwan na lang kayo ni Gian--"
"Nagtatanong lang ako." pigil ko sa gusto niyang sabihin,
"Dapat pala Astro dinala mo gf mo." Biglang sabi ni Vinze habang pumipili ng bangus,
"May pinuntahan sila ng family niya eh." Sabi naman ni Astro,
"Punta na muna kami ni Gian sa bilihan ng karne." paalam ni Astro at tumango lang kami,
"Tama sana kung kasama sila Jeke, kaso ang warfreak ng syota." Biglang sabi ni Vinze, "Oo nga pala, may kailangan kayong ipaliwanag ah? Mamaya, aasahan ko yang paliwanag na yan." Dagdag pa niya at tumingin kay Vallen,
"Yeah." sabi lang ni Vallen,
Masaya naman silang kasama pero yung fact na ako lang ang babae? Yun ang ikinalulungkot ko.
"Sa susunod na may ganito, ano kaya kung dalhin mo naman yung friends mo dito Choelle? You know para hindi ka malungkot?" Sabi naman ni Vallen,
"Di naman ako malungkot." Ngiti ko,
"Di nga?" Pilit pa niya,
"Oo nga."
"Larvallen, samahan mo nga ako sa burger station dun sa kabila." Sabi ko,
"Enjoy na enjoy mo ang full name ng first name ko ah?" Ngisi niya,
"Yeah manly kasi, bagay sa personality mo, tara na dali! Bili na tayo." Pilit ko,
"Bakit hindi si Gian??" Takang tanong niya,
"Si Gian? Bumibili pa sila ni Astro dun sa may karne eh, sige na please? Nagugutom na kasi ako, ikaw na lang." pakiusap ko,
"Paano si Vinze??"
"He can take care of himself, so let's go!"
Gosh! Kumukulom na talaga ang tiyan ko tapos nagpapapilit pa siya!
"Okay." Natatawang sabi niya at umalis na kami,
Vinze's POV
"Oh, hawakan mo muna Vallen." Utos ko at humarap kay Vallen, luminga linga ako sa paligid,
Asan na yun?!, wala na pala akong kasama dito? Pati si Choelle nawala din, pinuntahan ko sila Gian,
"Kasama niyo sina Choelle?" Tanong ko kaagad kanila Gian,
"Ikaw ang kasama nila, bakit mo sa amin hinahanap?" Iritableng tanong naman ni Gian,
"Tapos na ba kayo diyan?" Tanong ko at tumango lang silang dalawa, "Tara hanapin na natin sila." sabi ko,
"Mamaya na, wala pa tayong drinks." Sabi ni Astro,
"Sa kabila pa yun, ano tara?" Tanong ko,
"Sige, baka makita natin sila doon, baka nagkusang gawa sila." Sabi ni Gian at pumunta na kami sa kabila,
Pagkarating namin sa kabilang parte palengke, wala pa kami sa gitna ay nakita na namin ang nagtatawanan na Vallen at Choelle na may hawak na burger, habang buhat ng isang kamay niya ang isang kasalo coke, at si Vallen naman ay may hawak na isa pang kasalo coke.
BINABASA MO ANG
To Love Somebody
Teen FictionA story wherein a girl named Zariana Choelle Santiago loses hope and will to live as she discovered the unbearable truth about her family. Everything changed when she met Gian Carlos Arthur and his three other friends. (This story is under revision...