Choelle's POV
Isang linggo na ang nakalipas pero nangungulit pa rin si Jannae sa text na itatanong niya pa rin ito kay Gian.
Hahanap lang daw siya ng tiyempo, kaya naman 'di ko na siya pinaniniwalaan dahil hindi niya naman ito nagagawa kahit ano pang sinasabi niya.
Papunta na kami ni Gian sa coffee shop ngayon,
"Feeling ko maganda ang mangyayari ngayon." Sabi ko,
"Feeling mo??"
"Yup."
"Bakit naman??"
"Ewan ko rin, I have a feeling na magiging masaya ang araw ngayon."
Pagkapasok namin ni Gian sa Coffee shop,
"Oh! Ang aga niyo namang pumasok ngayon! Pero okay lang yun para maranasan niyo naman yung maaga pumasok." Salubong sa amin ni Jannae, kaya naman nagtaka ako,
"Ha? Eh, ganitong oras din naman kami-" pinutol ako ni jannae,
"Oy, ano ka! Late dati yang si Gian, hindi ko pala nakwento sayo nung pumunta ako sa-"
"Ano bang pinagsasabi mo diyan?!" Putol ko din sa kanya,
"Si Gian kasi late noon, tinanong ko noon yung iba niyo pang kasama, vinze ata yung name, tapos sabi maaga naman siyang umalis ng appartment niyo nung araw na yon."
"Oh? Noon pa yun ah? Bakit mo binabalik??" Kunwari nagulat na sabi ko at napapatingin pa ng gulat kuno kay Gian,
"Hindi naman masamang ibalik eh." Sabi niya at may tonong nang-aasar pa,
Pinanlalakihan ko na siya ng mata, baka sakaling mabasa niya ang ipinaparating ko na tumigil na siya, hindi kaya ngayon na niya balak itatanong? Tsk, para saan pa? Ang tagal tagal na niyang sinasabi, ngayon lang niya balak itanong?
"Anyway, alam mo Choelle I'm very very curios talaga eh." sabi ni Jannae,
"Na ano nanaman??"
"Kung bakit ganon si-"
"Nandito tayo para magtrabaho, hindi para magdaldalan." Biglang sabi ni Gian at naglakad papunta sa cashier,
"Anong nangyari dion?" nilabi sa akin ni Jannae,
"Ewan ko." Kibit balikat ko, saka namin tinignan ang likod niya, as if naman na nakaharap siya sa amin, nung paharap na siya ay saka kami kumilos ni Jannae na para bang nagtatago dahil may ginawang kasalanan,
Naging bad mood? Hmm...
Maraming customers ngayon, halos hindi man lang kami tumunganga, ano bang araw ito at ang daming customers? pero ayos yun, matutuwa si Miss Yem.
"Madami tayong customers ngayon at kinakausap nila ako dahil sa kabaitan ng aking mga employees." Natatawang sabi ni Miss Yem, pero hindi namin maintindihan kung bakit siya natatawa, ngumiti na lang kami ng alanganin sa kanya,
"Oh, well." Ngiti niya at mukhang napahiya dahil walang natatawa katulad niya,
Geez, nakakahiya yan!
"Anyway, You did a great job! Sana bukas ganito ulit, pwede na kayong umuwi kung tapos na ang trabaho niyo, and please paki sabi sa mga next employees ko na as usual, aalis na muna ako for some reasonable reason, next announcement will be tomorrow na lang." Dire diretsong anunsiyo ni Miss Yem at nagpalakpakan naman na kaming lahat, pagkatapos noon ay umalis na siya ng coffee shop,
Nandito ako ngayon sa isang table at nililinisan ko ito, hindi ko man tinitignan ay nakita ko naman sa peripheral vision ko na lumapit si Jannae kay Gian,
BINABASA MO ANG
To Love Somebody
Teen FictionA story wherein a girl named Zariana Choelle Santiago loses hope and will to live as she discovered the unbearable truth about her family. Everything changed when she met Gian Carlos Arthur and his three other friends. (This story is under revision...