Chapter 7

19 0 1
                                    

Choelle's POV

"Anong oras ulit yung uwian niyo?" Tanong ni Gian habang pababa ako ng motor niya,

"9pm naman pero hindi ko alam kung anong oras ako makakauwi dahil sa traffic." sagot ko,

"Pahiram ng cellphone mo." seryosong aniya, 

"Wala akong cellphone." 

Sandali siyang natahimik at napatitig sa akin, "Oh? Bilhan-" natawa naman ako at ngumiti sa kanya, "Ano bang mayrooon, bakit kaialangan ko ng cellphone?" tanong ko, tumingin siya sa akin na para bang hindi makapaniwala,

"Ano ka ba naman Choelle? Siyempre para matawagan mo kami." pasigaw na sagot niya at napa-kurap naman ako, 

"Bakit ka nagagalit? Kaya ko naman umuwi mag-isa!"

"Delikado na, madre." nang-aasar na sabi niya,

"Nakikiuso ka na rin sa kanila ah!" medyo nainis kong sabi,

"Nakikiuso ka rin sa pari 'di ba? Quits lang tayo." Natatawang sabi niya,

"Pero dapat hindi na ulit natin gamitin, feeling ko kasi asar nila 'yon para sa ating dalawa." seryosong sabi ko pero  umiwas ako nang tingin sa kanya,

"Yun naman din ang naiisip ko e." sabi niya kaya napalingon ako sa kanya,

"Oh? Bakit hindi ka man lang magreklamo?" tanong ko pa,

" 'Pag may oras na magkwentuhan tayo saka ko na sasagutin." nakangiting sabi niya,

"Ang arte naman! Pwede naman ngayon." giit ko,

"May trabaho ka pa oh." sabi niya at tinuro ang mall,

"Bibilhan na lang kita ng cellphone, 'wag makulit." aniya at wala naman akong magawa,

"Wala akong perang pambayad sayo, nakikitira nga lang ako sa inyo 'di ba?" sabi ko,

"Ayaw mo ng kahit smartphone lang?" tanong niya, lang pa talaga 'yon?

" 'Di ko naman kasi kailangan ng cellphone."

"Kailangan mo na nga eh! Para-"

"Hay nako, bahala na nga yung uwian!" Putol ko sa kanya,

"Paano kung biglang nagkaemergency kami? o ikaw? Hindi mo ba naiisip na responsibilidad kita." 

"Paano mo ako naging responsibilidad? Nakikitira ako sa inyo pero kaya ko pa rin naman ang sarili ko, hindi mo ako kailangang alalahanin."

Kumunot ang noo niya at halatang nagpipigil sumigaw, bumuntong hinga ako para senyales na papayag na ako sa gusto niyang magka cellphone ako, "Sige bibili ako ng cellphone ko kapag nakasweldo na, huwag kang mag-alala ibibigay ko agad ang phone number sa inyo nina Vallen."

"Hay nako, 'di ka naman nakokontrol!" naiinis na sabi niya pero ngumiti lang ako sa kanya,

"Walang pwedeng kumontrol sa akin kundi ang sarili ko." sabi ko lang,

Sandali kaming natahimik dahil sa sinabi ko, "Nga pala, sino ba yung minsan mong nakakasabay pag-uwi?" tanong niya,

"Si LR." Sagot ko at nakita ko sa expression niya ang pagtataka, "Yung katrabaho ko." dagdag ko,

"Ahhh."

"Oh?? Bakit ganyan ka? Bakit ang pait ng mukha mo??" Natatawang tanong ko,

"Hindi naman, sakto lang." sabi niya at mas natawa ako,

"May pagka childish ka rin pala, masyado mo naman ata akong pinagdadamot sa iba." pabirong sabi ko,

"Oo, hindi pa ba halata?" tanong niya kaya naman napalunok ako, 

To Love SomebodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon