Choelle's POV
"Choelle, pari...gising na kayong dalawa." Mahinhing gising ni Vinze sa amin,
"Eh??" sambit ko at agad na kumawala sa yakap ni Gian,
"Ano? tsansing lang?" Sampal ko kay Gian pero pabirong sampal lang,
"Pasalamat ka na lang at kinomfort pa kita!" Sumbat niya at nagpout ako,
"Tsh, kung isusumbat mo lang naman sa akin eh mas mabuting hindi mo na lang ginawa." Sabi ko,
"Kain na tayo mga pre please?? Dinner na, Nagstop over lang ngayonm kaninang lunch kasi hindi kami nakakain kasi natutulog kayong dalawa." pakiusap ni Vinze at nagkatinginan kami ni Gian bago sabay na tumango kay Vinze,
"Asan na nga pala yung lalaki?" takang tanong ko, sakto namang lumapit ang lalaking iyon sa amin,
"Ah miss.."
"Speaking of." Mataray na sambit ko,
"S-sorry miss, hindi ko sinasadya--"
"Hindi sinasadya your face! Kung may respeto ka, hindi mo talaga sasadyain! Kaso sinadya mo at sinamantala ang pagkakataon." Naiinis na sabi ko at nilingon si Gian sa tabi ko,
"Tara na." yaya ko sa kanya at tumango siya,
Tahimik lang kaming pumunta sa table at nakita kong matamlay na naghihintay sila Astro, Nakipagkuwentuhan ako sa kanila habang hinihintay ang pagkain,
Nagorder sila ng adobong baboy, papaitan at isang pancit na hindi ko alam kung anong pangalan kaya hindi ako naghesitate na magtanong kay Vinze.
"Anong pancit toh??" Tanong ko kay Gian,
"Pancit batil patong na may free soup na." detailed na sagot ni Gian, "Ahh, ilocano food?" Tanong ko muli at nakatanggap ako ng tango,
Pagkatapos noon ay kumain kami habngnagku-kuwentuhan, "Bilisan nating kumain, baka maiwan tayo ng bus." Ani ko,
"Tara na guys bago maiwan na tayo." Sabi ni Vinze at patakbong pumunta sa bus,
"Ay jusko kayo! Kamuntikan na kayong maiwan, bilis sakay na!" sermon sa amin ng konduktor, tinaasan ko lang siya ng isang kilay at takot na takot na siyang lumingon sa akin, ha!
Takot eh wala naman akong ginawa?
"Anyways, by the way...bakit biglang ang tahimik nila, Gian??" tanong ko sa katabi ko nang maupo na siya sa tabi ko,
"Hindi kami sanay ng magcommute papunta sa isang malayong lugar, laging may special treatment..ngayon lang kasi kami bumiyahe sa bus kaya siguro iba yung ramdam naming pagod." sincere na sagot niya at tumango lang ako,
"Bukas pa tayo makakarating, hindi ba?" tanong ko at tumango lang naman siya, pati siya ay pagod na pagod?
"Hindi na ako inaantok eh." sambit ko dahil hindi siya masyadong kumikibo,
"Music tayo? Gusto mo?" Tanong niya at umiling ako, "Hmm, anong gusto mong gawin?" kalmadong tanong niya,
"Kwentuhan na lang tayo tungkol sa ex mo, if it's okay?" Alanganin kong sabi,
Napatitig siya at natigilan saglit, kinakabahan ako sa reaksiyon ng isang toh, hindi ko siya maintindihan.
"What about her?"
"Walang katiting na impormasyon ang matitira sa kwento mo." Sabi ko lang,
"Her name is Henery Carvossa, Nakilala ko siya sa school, 1st year highschool ako noon at may pagkabully bukod pa doon lagi akong nagmumura dati. She's an ugly girl for me, maraming pimples, chubby at maitim. " paliwanag niya,
BINABASA MO ANG
To Love Somebody
Teen FictionA story wherein a girl named Zariana Choelle Santiago loses hope and will to live as she discovered the unbearable truth about her family. Everything changed when she met Gian Carlos Arthur and his three other friends. (This story is under revision...