Chapter 6

27 2 0
                                    

Choelle's POV

"Uyy, si Choelle fresh na! Ako na ang susunod na maligo, nakakahiya sa prinse-"

"Ako na muna." Putol ni Vallen  sa sasabihin ni Vinze pagsulyap ko sa kanya ay sa akin pala siya nakatingin, naalala ko ang nangyari kanina, kung paano niya halikan ang pisngi ko. Pakiramdam ko ay hindi ko na siya kayang kausapin pa uli.

"May iniisip ka ba?" kalabit sa akin ni Astro, 

Agad-agaran naman akong umiling, "Saan ba... nagpunta si Gian??" Tanong ko,

"Hinahanap hanap?" Asar nanaman ni Vinze,

"Hindi sa gano'n, nakita kasi namin siya kanina, kakausapin ko sana siya." depensa ko sa aking sarili,

"Manliligaw ka sa kanya?" Gulat na tanong ni Vinze,

Haay -.-

"Hindi ahh _._" sabi ko at humiga sa kama ng isa sa kanila,

"Uyyy, alam mo ba kung kaninong kama yan?" Tanong ni Vinze, umiling lang ako,

"Kay Gian." Sagot niya at tumawa siya mag-isa, binatukan niya si Astro dahil walang kibo ito kanina pa,

"Asan ka na nakarating??" Tanong ni Vinze,

"Sa Mars." Sagot ni Astro sa kanya at napa- iling na lamang si Vinze habang natatawa, 

"Pansin ko kasi kanina pa badtrip si pari, 'di ba nag-english pa siya??" Tanong niya pa kay Vinze, Napatingin ako sa gawi nila,

"Nag-english din siya sa inyo?" Takang tanong ko at saka sila napalingon sa akin,

"Ano bang naabutan niya??" Taas kilay na tanong ni Vinze at nag-init ang pisngi ko, palagay ko ay namumula na ako..

"May ginawa bang kalokohan si Vallen sayo? Or may ginawa kayong kalokohan?" Tanong pa ni Astro na siyang nagpapaguilty sa akin,

"M-may ginawang kalokohan... si Vallen pero hindi naman yun yung naabutan ni Gian!"

"Oh? Anong ginawa niya?" Interesadong tanong ni Vinze,

"Hinalikan niya ang pisngi ko." diretsong sabi ko,

"Parang wala lang naman sa iyo, kanina ka pa normal." Sabi ni Vinze,

"Actually, wala lang talaga sa akin, kasi--"

"Si Vallen naman??" Sabay nilang tanong, umiling-iling ako sa sinabi nilang dalawa.

"Hello? Wala ako sa mood maglandi, wala lang sa akin kasi hindi naman siya ang first kiss ng cheeks ko." Sabi ko,

"Ano yung naabutan niya sa inyong dalawa?" Tanong ulit ni Vinze,

"Hinahawakan ko siya sa braso at hawak naman niya ang likod ko, kasi muntik na talaga akong madapa kanina." kalmadong sabi ko,

**Flashback**

"Vallen?.." tawag ni....

"Gian.." nasabi ko na lang,

"What are you two doing??" Tanong niya, medyo nalilito na may kaunting pagtataka, 

"U-uhh, muntik na kasi akong madapa." Sabi ko, at umayos ng tayo pati kumawala na rin kay Vallen,

"Oh? I thought it's something." 

**End of the flashback**

Naalala ko ulit >.< >.< >.<

"Ano yung una sa convo niyo??" Tanong ni Astro,

"Uhm, tinawag niya nang patanong si Vallen.." sagot ko,

To Love SomebodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon