Choelle's POV
"Gising na, Choelle."
"Asan na tayo??" tanong ko,
"Manila na, ang tagal mong matulog ah?" Ngiti ni Gian,
Geez, ito nanaman yung pangiti ngiti niya.
"Anong oras na??"
"8pm na, tara." Sabi niya atsaka kami bumaba sa bus,
"Bakit naman ang tagal tagal niyo?" iritang irita na tanong ni Vinze,
"Sorry, Nasarapan ng tulogm" paumanhin ko,
"Ano? Saan tayo kakain ng dinner? gutom na ako!"
"Dun na lang tayo sa Mang inasal!" Suggest ko,
"Nice at nakabawi ka sa akin."
"Geh, lets go!" Sabi ko at naunang maglakad,
Pagkapasok ko sa Mang Inasal, tumumbad na agad sa akin ang nakakagutom na amoy ng restaurant,
"Gutom ka na rin?" Natatawang tanong ni Vallen at umiling lang ako,
"Bakit ka nakapout?? Halikan ko yan eh!" Tawa niya,
"Edi halikan mo!" Sabi ko, at nagulat sila sa sinagot ko, kaya napatingin naman silang lahat sa akin, pero si Gian parang wala lang pakialam.
"Halikan mo pero may sapak sa mukha pagkatapos." pagpapatuloy ko,
"Ah ha ha ha ha joke lang eh! Toh naman, masyadong seryoso."
"Sige na, upo na kayo." Nauutal na sabi niya at naunang umupo,
Aanatakot? Hahaha
"Manlibre ka!" Si Vinze,
"Ano??" Gulat na tanong niya kay Vinze,
"Manlibre ka, ilibre mo kami!"
"Ano? Ayaw ko nga, kkb na lang tayo!"
"Ngayon ka lang naman manglilibre ulit! Ang damot mo pa!"
"Hoy Vinze! Huwag-"
"Sige na, libre mo na kami." Maangas na Utos ko, at napalingon naman sa akin si Vallen saka siya ngumiti,
"Ikaw talaga, oh sige, ililibre ko kayo para sayo." matamis na ngiti ang ibinigay niya sa akin tapos pumunta na siya sa pag-orderan at ngumiwi naman ako habang tinitignan siya palayo, narinig ko naman ang mahinang singhal ni Gian,
Minsan 'di ko maintindihan ang mga toh eh, nagswiswitch ba sila ng ugali?? Grabe!
"Ikaw lang pala ang magpapapayag dun sa lalaking yon eh."
"Sus, takot lang niya."
"Ikaw pa lang ang nakagawa non sa isang Larvallen."
"Jusko Vinze?" Napangiwi na lang talaga ako,
"Ikaw lang ang magpapapayag sa lahat, do you have a power??" Kulit pa niya sa akin,
"Kung ano anong sinasabi mo Vinze, gutom lang yan." Sabi ko,
MEDYO kumabog ang dibdib ko, hindi dahil sa sinabi ni Vinze, parang nakikita ko kasi sa Peripheral Vision ko na may nakatingin sa table namin, or baka naman tagos yung tingin? Pero babae siya, so baka wala lang.
Ah, basta! Sa direksyon pa rin namin yun.
"CR lang ako." Paalam ko at sabay sabay silang tumango,
Pagpasok ko sa isang cubicle, saktong may narinig akong boses ng babae,
Someone's POV
"Sino ang nag-aalaga sa kanya nung hindi na kanila Rene??" tanong sa akin ng aking partner,
BINABASA MO ANG
To Love Somebody
Teen FictionA story wherein a girl named Zariana Choelle Santiago loses hope and will to live as she discovered the unbearable truth about her family. Everything changed when she met Gian Carlos Arthur and his three other friends. (This story is under revision...