Choelle's POV
Napagdesisyunan kong ipatigil kay Gian ang panliligaw niya. Mahal ko naman siya pero hindi enough yun dahil marami pang pwedeng mangyari kaya kahit masakit na palayain siya ay titiisin ko. Mas masakit kung papaasahin ko siya, mas masakit kung papatagalin ko pa.
"Ano yung sasabihin mo sa akin?" tanong niya at umiwas ako ng tingin,
"Kumain muna tayo." Sabi ko lang
Gusto ko na magsalita kasi patapos na rin kaming kumain pero umaatras yung dila ko,
"Ang tahimik naman natin." Biglang sabi niya at napatingin ako sa kanya, nakatingin na pala siya sa akin,
"Oo nga eh."
"Dito ka muna, cr lang ako." Paalam niya at tumango ako,
Bumalik na siya at huminga ako ng malalim, kailangan ko nang tapusin ito.
"Gian, we need to talk."
"Sige, ano ba sasabihin mo? Ikaw na lang hinihintay ko."
"Itigil mo na ang panliligaw mo." Sabi ko saka tumingin sa kanya,
Sinusubukan kong huwag tumulo ang luha ko at binigyan siya ng napakalamig na tingin,
Naisip ko lang kagabi na kapag ipinagpatuloy pa rin niya ang panliligaw niya hindi siya makakapagfocus sa pag-aaral niya, at bukod pa doon, natatakot ako na baka kahibangan lang lahat.
Ayaw kong matulad sa kwento ni Tito Dex at Ate Chai, kaya ngayon pa lang hanggat kaya pa namang dedmahin ang nararamdaman, dapat hindi ko na patagalin pa.
"B-bakit?"
"K-kasi pinapaasa lang kita Gian, ayaw ko lang na masaktan ka dahil sa akin."
"P-parang kagabi lang ayos naman tayo ah?" tanong niya,
"Kagabi lang yun, nagbabago ang lahat araw-araw." sabi ko at tumingin sa mga mata niya,
Kitang kita ko ang sakit at pagkadismaya sa kanyang mga mata kaya agad akong umiwas ng tingin,
"Hindi ka naman siguro mahirap kausap? Tinapos ko na at pumayag ka na lang, kailangan ko nang umalis." sambit ko at tumayo na,
Agad akong naglakad palayo sa kanya,
"Choelle..." Ang pagtawag niya ay parang nagsasabing manatili lang ako, pero hindi pwedeng magtagal ako sa paglalakad dahil maaabutan niya ako,
Pagkalabas ko ay nagpatuloy ako sa paglalakad papunta sa mga sakayan,
"Choelle!" tawag niya at umiling lang ako,
"Choelle sandali!"
"Huwag mo na akong sundan Gian, please naman!" sigaw ko at mas binilisan pa ang paglalakad pero naunahan niya pa rin ako at ngayon ay nasa harapan ko na siya,
Hinawakan niya ang magkabilang braso ko kaya napasinghap ako,
"Sinasabi mo lang ba yan para hindi ka mahirapan na umalis papunta ng States?" tanong niya at matapang akong tumingala sa kanya,
"Paano mo nalaman na pupunta akong States?" takang tanong ko at dahil doon ay nabitawan niya ako, tuluyan akong lumayo sa kanya,
"C-choelle-"
"Paano mo nalaman!?" Tanong ko pero nakatingin lang siya sa akin,
"Kanino mo nalaman?" tanong ko muli pero umiinit ang ulo ko dahil hindi siya makapagsalita,
"Kay LR ba? Ha?! Bakit hindi ka magsalita, Gian!?" pasigaw na tanong ko,
"Choelle, patawarin mo ako." aniya at akmang lalapit sa akin pero lumayo ako sa kanya,
BINABASA MO ANG
To Love Somebody
Fiksi RemajaA story wherein a girl named Zariana Choelle Santiago loses hope and will to live as she discovered the unbearable truth about her family. Everything changed when she met Gian Carlos Arthur and his three other friends. (This story is under revision...