Vinze's POV
"Vinze, ang saya mo ah?" pansin ni Vallen at tumango tango ako,
"Ganun talaga." Nakangiti kong sabi,
"Anong trip mo?" Tanong ni Astro,
"Bakit?" Tanong ko pabalik,
"Ngiting aso ka diyan, siguro narerealize mo nang gusto mo si--"
"Hephep! Kadiri ka!"
Si Chin nanaman!
Tumawa si Astro, "Wala pa akong sinasabi eh."
"Sus, Isumbong kita sa gf mo eh!"
"Na ano?" Tanong niya at nag-isip ako ng palusot,
"Na may crush ka dito, si Aren!" Bulong ko at napataas ang kilay niya at tinakpan ang bibig ko,
Guilty?
"Totoo ba Astro?" Gulat kong tanong, imbento ko lang yun ah?!
"Hindi! Pero delikado yang ginagawa mo! Baka mamaya may makarinig itukso pa ako sa kanya."
"Ang lalim talaga ng tagalog mo, mag english ka naman minsan, pre." Sabi ko at napatawa siya ng konti,
"Ano yang daldalan natin diyan, mga pare?" Biglang singit ni Vallen,
"Nothing important." Sabi ko,
"Talaga ba?"
Mambabara nanaman ba tong lalaking toh?
"Oo pre." Depensa ni Astro,
"Eh, sa hindi niyo ba pansin na three weeks nang hindi masyado nagpapansinan si Gian tsaka si Choelle? " tanong ni Vallen,
"Oo nga pala 'no? Ang busy kasi natin eh." Nalulungkot kong sabi,
"Nagkaproblema yung dalawang yun nung nagswimming tayo eh." sabi naman ni Astro,
"Hay nako, anong nangyari sa mga yun?" Nagtataka kong sambit,
"Ang dalawang yun talaga parang magboyfriend girlfriend, dinaig ka pa Astro!" kumento ko at napa iling iling pa ako,
"Magkwekwentuhan nalang ba kayo ng tungkol sa aming dalawa ni Choelle?" Tanong ni Gian, at sa gulat ay napaatras ako sa kinatatayuan ko,
"A-ahh ehh, G-gian Bakit nandito ka?" kabadong tanong ko,
"Hiniram ko oras niyo kay Miss Yem, may kailangan ako hingin sa inyo." Sabi niya at nagkatinginan na lang kami nila Astro saka nakinig sa sasabihin niya.
Choelle's POV
Naglalakad ako papuntang..Hindi ko alam,
Wala akong alam sa lugar na ito,
Pamilyar siya ngunit parang hindi,
Tumingin ako sa paligid, luminga linga para magbaka sakaling may makakasama ako dito. Nakita ko si Gian, sa kabilang banda ay si Neill,
Mas pinili kong sundan si Gian, pero nakita kong may kasama siyang isang babae, naglalakad sila,
Hindi pamilyar sa akin yung babae, hindi ko masyadong makita,
"Gian." Tawag ko, hindi siya lumingon,
"Gian!" Sigaw ko, lumingon na siya at mukhang gulat,
Sinundan ko sila, "Gian, mahal kita.."
Umiiyak na ako nang lumapit si LR,
Niyakap niya ako at mas lalo akong napaiyak dahil doon, "Bakit LR?" Nasabi ko at mas lalong tumulo ang luha ko, hinahayang yakapin niya ako.
BINABASA MO ANG
To Love Somebody
Teen FictionA story wherein a girl named Zariana Choelle Santiago loses hope and will to live as she discovered the unbearable truth about her family. Everything changed when she met Gian Carlos Arthur and his three other friends. (This story is under revision...