Chapter 29

4 0 0
                                    

Choelle's POV 

"Ikaw si Lanie, Ang nawawala kong kapatid."

Hindi ko alam ang mararamdaman ko,

"Nalilito ako, sandali lang, B-bakit... paanong ako?" nagugulumihanan kong tanong,

Tumayo ang nanay namin at niyakap ako, naestatwa lang ako at nalilito,

"My princess." Umiiyak na aniya at hindi ko mapigilan ang pagtulo ng luha ko,

"S-sandali paano, b-bakit? Paano ako naging si Lanie?" tanong ko at hindi niyayakap pabalik ang dapat kong kinikilalang ina,

Tumingin siya sa akin at sinusubukang punasan ang luha kong hindi tumitigil sa pagpatak,

"H-huwag kang mag-alala anak, ipapaliwanag naming maigi ang lahat sa iyo." aniya at hindi ko talaga alam,

Hindi ko alam kung ano ba dapat ang reaksiyon ko, nalilito ako, naguguluhan ako,

Lagi kong iniisip na wala akong paki sa totoo kong pamilya at naiisip ko na magagalit ako 'pag nalaman ko kung sino ba sila pero hindi iyon nangyari, nakakaramdam ako ng tuwa sa puso ko pero nalilito pa rin ako,

Lumapit si LR sa akin, tunay ko siyang kapamilya, kaya pala hindi nagtagal ang pagdududa kong may masama siyang balak sa akin,

"Kuya pala talaga kita." naiiyak na sambit ko at niyakap niya ako pati ang nanay namin,

Napapikit ako, ayos lang sa akin kung hindi muna masagot ang tanong ko, kahit nalilito pa ako at hindi makapaniwala,

Bumitaw ako sa yakap,

"Gusto muna kitang iuwi anak, pwede ba?" Tanong ng tunay kong ina, 

Bumuntong hinga ako bago tumango, kailangang maging malinaw ang lahat sa akin.

||~~||~~||~~||~~||~~||~~||~~||

Malaki ang bahay nila, mukhang mayaman sila...

"Anak, ituturo ko ang kwarto mo." sabi ng aking ina at tumango lang ako,

"Mom, baka naman sa sobrang hyper mo, naiilang na si Choelle."  Sabi ni LR at napatingin sa akin ang aming ina,

"Ganun ba?" tanong niya at napa-pout pa,

Nakaramdaman ako ng tuwa, baka sila nga ang tunay kong pamilya.

"O sige ganito, Anak, kuya mo na lang ang maghahatid sayo sa kwarto mo ha? Ipagluluto ko kayo ng masarap na ulam, okay?" Paalam niya sa akin at napatango lang ako,

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala, ang bilis ng mga  pangyayari..nagpapaalam lang naman akonsa kanya pero makikilala ko na pala ang tunay kong pamilya pagkatapos noon.

Seryoso ba ito? Hindi ba ito panaginip? Paano ba dapat magreact sa ganitong sitwasyon?

"Nahihirapan kang makisama?" Tanong niya at tumango ako,

"Makulit si mom, parang ikaw, kaya makakasundo mo siya agad panigurado." Sabi niya at tumango ako,

"Hindi ka ba magagalit sa akin kung bakit ko nilihim sayo?" Tanong niya at umiling ako,

"Kailangan ko lang malaman kung paano nangyari ang lahat, kasi...hindi ko alam paano haharapin ang ganitong sitwasyon. Para akong nabunutan ng tinik pero mas nangingibabaw na parang may batong humaharang sa puso ko na tumibok."

Masyadong mabigat sa pakiramdam ang katotohanan...hindi ko na alam.

"Sorry, kung hindi ka nakapaghanda, sorry kung sinabi ko na agad."

To Love SomebodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon