XIX:What If?

2.1K 58 0
                                    

Kheana's POV

Habang kumakain kami ng breakfast ay nagkukwentuhan narin kami.

"Grabe..hindi talaga ako makapaniwalang bestfriend ko ang Prinsesang si Kheana. Alam mo ba Mandy,pangarap kong makilala ka. Grabe,buti na lang pala kinausap kita nung first day noh." masayang sabi ni Thea...

"Pero promise mo walang ibang makakaalam ng sikreto ko." paninigurado ko sa kanya.


"Oo naman,mapagkakatiwalan mo ko no." sabi nya.

Nang natapos kaming kumain,pumunta naman si Thea sa sala dahil manonood daw sya.

"Ohh..punta ka na rin don Kenneth. Samahan mo si Thea." sabi ko kay kenneth habang nilalagay ang mga kinainan namin sa lababo.

"Hindi na..tutulungan na lang kita dito." sabi nya at nilagay din ang ibang pinagkainan namin sa lababo.

"Naku hindi na,samahan mo na lang don si Thea. Kaya ko na to." sabi ko sa kanya.

"Ok nga lang,atsaka kaya na ni Thea dun" sabi nya.

"HAYAAN MONA SI KENNETH DYAN MANDY!" sigaw ni Thea..

Pinagtutulungan ba ako ng dalawang to?

"Osige na nga..mapilit ka eh" sabi ko kay Kenneth.

Tahimik lang kaming naghubugas ng plato ni Kenneth. Ang awkward nga eh.

Wala kasi akong maisip na topic kaya hindi ko sya dinadaldal.

"Galit ka ba saken Mandy?" tanong ni Kenneth saken

~ ~ ~
Kenneth's POV

Naninibago ako ngayon kay Mandy. Para kasing ang tamlay nya ngayon eh.

Hindi rin nya ako masyadong kinakausap. Teka?

Baka naman...

"Galit ka ba saken Mandy?" tanong ko sa kanya.

Napatingin naman sya saken kaya nagkatitigan kami.

Yung mata nya...may naalala ako sa mga mata nya.

FLASHBACK

10 years ago...

Nandito ako ngayon sa Park kung saan madalas kaming nagpupunta ng pamilya ko.

Habang nasa swing ako may nakita akong batang babae na umiiyak mag-isa sa bench. Mukha syang nawawala kaya nilapitan ko sya.

"Bakit ka umiiyak?"

"Nawawala ako,hindi ko mahanap ang butler ko"

"Gusto mo ba hanapin natin sya? Kasi kung iiyak ka lang dyan hindi mo sya mahahanap"

Tumango sya saken at pinunasan ang mga luha nya kaya napatitig ako sa mata nya.

Ilang minuto rin yun dahil nagsalita sya.

"Hahanapin paba natin ang butler ko?"

"Ahh..oo naman "

Nagulat naman ako ng bigla na lang syang tumakbo.

Tumakbo sya sa isang lalaking naka suit at niyakap ito.

Mukhang sya yung butler nya.

"Salamat kahit hindi mo ako natulungan. Anong pangalan mo?"

"Kenneth"

Ngumiti naman sya saken at napatitig na naman ako sa mga mata nya..

Princess In DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon