XLVIII:Alone

1.5K 44 0
                                    

Aiden's POV

Luhaan akong lumabas sa ospital pati na rin sa buhay ni Mandy.

Masakit oo..pero kailangan kong tanggapin dahil una palang ako na ang may kasalanan kung bakit nya ako pinagtatabuyan.

Ako ang may kasalanan kung bakit sya umiiyak..ako ang may kasalanan kung bakit sya nasasaktan.

Pauwi na ako samen...sa bahay namin dahil gusto kong yakapin ngayon si Mama..at gusto kong malaman nya ang nagawa kong katangahan.

Habang nagdadrive ako..hindi pa rin tumitigil ang pag-agos ng luha ko...

Hinayaan kong lumalala ang sitwasyon.Hinayaan kong makitang masaktan ang taong mahal ko dahil sa akin.

Wala akong kwentang tao.Wala akong kwentang lalaki.Wala akong kwentang Boyfriend.

Nang makarating ako sa bahay namin ay nagtaka agad ako dahil may isang nakaparadang kotse.Hindi to kay Mama dahil nasa garahe ang kotse nya.

Lumabas ako ng kotse para malaman kung anong meron.Pumasok ako sa loob at agad akong sinalubong ni Mama ng yakap habang nakangiti.

"Anak...Nakancel na yung marrige nyo.Kinancel na ni Sophia.Hindi na matutuloy ang kasal nyo !!"masayang sabi ni Mama.."Hindi ko nga alam kung anong nakain ng batang yun pero magpasalamat nalang tayo dahil wala nang kasalang magaganap.Wala ka ng dapat itago kay Mandy"

"Ma..wala na po kami"mahinang sabi ko dahilan para tumulo na naman ang luha ko.

"A-anong ibig mong sabihin anak !?"

"Ma..wala na po kami ni Mandy.Nakipaghiwalay sya saken dahil nalaman nya na ikakasal na ako.Ma wala na kami.Mama nasaktan ko sya.Nasaktan ko yung taong mahal ko !!"hindi ko na napigilang umiyak.Agad naman akong niyakap ni Mama...

"Wala na bang paraan para maayos nyo ang relasyon nyo !?Ipaliwanag mo..ipaalam mo na hindi na matutuloy ito.Ayusin mo.Ayusin nyo !!"sabi ni mama...

"Hindi na Ma ehh...Hindi na pwede.Pinaalis na nya ako sa buhay nya ...Ayaw na nyang makita yung pagmumukha ko.Ayaw na nya saken Ma.Kasi nasaktan ko sya ng sobra !!"

Wala nang nagawa si Mama kundi yakapin ako at pakalmahin.

Ang saket kasi ehh...ang saket saket.

"Aiden"rinig kong tawag ng isang babae."Aiden..can we talk.Saglit lang"sabi nya kaya tumango ako.

Pumunta kami sa labas para makapagusap.Nilagay nya muna yung bagahe nya sa kotse bago ako kausapin.

"Aiden..sorry.Sorry sa lahat ng nagawa ko sayo..especially kay Mandy.I didn't meant to ruin your relationship.Sorry kung ako yung dahilan ng pagkakahiwalay nyo.Sorry kung ako yung dahilan kung bakit nasaktan si Mandy.Kung bakit sya ngayon umiiyak at nasasaktan.Sorry Aiden.Hindi ko intensyon na manira ng relasyon.Nawala ako nun sa sarili ko...That time all I want is you.Your Attention,Your prescence.Hindi ko naisip na may masasaktan ako.Matapos yung nangyari kanina napagisip-isip ko na...wala talaga akong laban kay Mandy.Because you love her and me..you just love me as a Little Sister.Babalik na ako sa Korea.Aiden promise me na pagbalik ko...promise me na pagbalik ko maayos na ang lahat.Sorry talaga Aiden."paliwanag nya.

"Ok lang Sophia.Sorry din kung hindi ko naramdaman yung mga efforts mo.Pero Hindi ko maipapangako ang sinabi mo.Hindi ko maipapangako na magkakaayos pa kami ni Mandy."malungkot na sabi ko.Mahirap paniwalaan pero yun ang totoo..

"Aiden..kung gusto may paraan kapag ayaw may dahilan.Kung talagang mahal mo si Mandy.Kung talagang gusto mong magka-ayos kayo..make a move.Kahit na paulit-ulit ka nyang itaboy..don't give up..except if..she already give up.Except kung sabihin nyang Stop ..except kung sabihin nyang Tama na.. wala ka nang magagawa kapag sinabi nya yun.Wala ka nang magagawa kung hindi magmove-on.Aiden basta nabubuhay ka..may pag-asa.Wag mo yang kalimutan ahh...kailangan ko nang umalis.Annyeong Aidee.Ingat ka."sabi nya at sumakay na sa kotse nya tsaka iyun pinaandar.

Princess In DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon