XXI:Close?

2.1K 54 3
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Aiden's POV

Kasalukuyan ako ngayong nagiintay sa starbucks.

Kasi naman si Lampa...ang bagal bagal.
Akala mo naman may igaganda pa sya eh ang ganda nya na nga kahapon.

Oo na,maganda na sya. Maganda na naman sya kahit hindi pa sya nag-aayos. Kaya ko lang naman sya ginawan ng mga kung ano anong bagay kasi gusto kong mapansin nya ako.

Kakaiba kasi sya,lalo na talaga yung mata nya. Medyo nakakahawig nya yung prinsesa.

Anywayss...

Kasalukuyan ng naglalakad papunta rito sa starbucks si Lampa. Ayoko syang tawagin sa pangalan nya,masyadong maganda.

Pake nyo ba?

Lumapit na sya dito at ibinagsak ang kamay sa mesa sabay tumingin saken ng masama.

"Alam mo bang kung saan saan kita hinanap. Kung hindi ko pa bubuksan ang phone ko hindi ko pa malalaman na nandito ka." sabi nya saken with matching irap pa.

Umupo na sya sa tapat ko.

"Kasalanan ko bang hindi mo pala tinitinganan yang cp mo?" sabi ko naman. "Ano pang silbi nyan kung hindi gagamitin ng maayos?" sabi ko ulit sabay higop ng kape at tumayo na.

"Tara na" sabi ko at dumiretso na.

"Seriously? Kakarating ko lang oh. Ang sakit pa kaya ng paa ko" sabi nya sabay sandal ng likod sa upuan.

Haiiist...bakit ba ako pumayag na sya ang maging partner ko? Lalo lang akong nahihirapan.

"Anong gusto mo,sumakit yang paa mo o mawalan ka ng grade sa math?" tanong ko sa kanya kaya naman agad syang tumayo at umuna na saken.

"Ikaw naman di ka mabiro. Tara na,baka gabihin tayo." sabi nya at naglakad na.

Ang babaeng to...tss
Napailing nalang ako.

Nandito kami ngayon sa national bookstore para bumili ng ibang gamit.

Napakunot naman ako ng noo ng tumigil si Mandy.

"Una ka." sabi nya saken. Ano daw? Yung totoo? Kailan ba balak umamin ng babaeng to...hindi ba nya alam na luwag ngayon sa rehab?

"Huh?" tanong ko naman. Kasi naman ehh...magsasalita nang kung ano ano hindi ko naman alam kung tungkol saan. Padala ko kaya to sa Mandaluyong.

"Duuhh...ikaw ang may alam ng materials kaya ikaw ang mauna." sabi nya saken at umirap pa. Dukutin ko yang mata mo eh!

Umuna ako sa kanya...sya naman nasa likod ko lang na nakasunod.

"Kumuha ka ng basket" sabi ko. Napakunoot naman ang noo nya.

"Wae?(Why?)" tanong nya saken.

"Ikaw ang maghawak,ako ang magalalagay." sabi ko sa kanya. Alangan namang nakatunganga lang sya dyan. Ano sya sinuswerte?

Princess In DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon