Kheana's POVKasalukuyan akong nasa kusina para ipag-bake si Kim. Sigurado ako kung san man siya galing malamang sa malamang ay pagod siya.
Kaya ipagbe-bake ko na lang siya ng cookies--bait ko noh!--
Habang nilalagay ko sa tray ang pinagmix kong ingredients, hindi ko namalayan na dumating na pala si Kim. Bukod kasi sa malayo sa main door ang kusina, bukas pa ang blender namin dahil gumagawa din ako ng shake.
"Yah Kheana. Akala ko kung ano nang ingay yun eh! Ano bang ginagawa mo?" tanong niya saken. Nginitian ko muna siya bago ko sagutin ang tanong niya.
"Sa tingin mo Kim maalam ba ako magluto? Tanging pagbe-bake lang ang alam ko sa kusina." sabi ko sa kaniya at pinagpatuloy ang aking ginagawa.
"Aigoo, ang sweet naman ng Kheana! Anong nakain mo?" tanong niya saken at umupo sa stool bar.
"May good news kasi ako sa'yo Kim." sabi ko sa kanya at pinatay na ang blender.
Pinag-gawa ko sya ng watermelon shake!
Nilagay ko ito sa dalawang baso at ibinigay kay Kim ang isa.
"Ano naman ang good news natin dyan?" sabi niya at ininom ang binigay ko sa kanyang shake.
Nilagay ko muna sa oven ang cookies tsaka umupo sa tabi niya. Bago ko sabihin sa kanya ang tungkol sa amin ni Aiden ay tinakpan ko muna ang mukha at katawan ko ng plastik. Kung sakali mang bugahan niya na naman ako, hindi na ako madudumihan --Talino ko di ba?--
"Kim, kami na!" masayang sabi ko habang nagtatago pa rin sa plastik na hawak ko.
Hindi ako nagkamali. Nagbuga na naman sya !
"Yah Kim! Sinayang mo lang ang gawa kong shake eh!" sabi ko sa kanya pero hindi niya yun pinansin.
---------------
Kim's POVWhat to do?
What to do?
What to do?Sabi ni Queen...
Sabi ni King...
Sabi ni Mother Elisa...Ilayo ko si Kheana sa lalaking yun! Paano?
Paano kung sila na nung Kuneho? Anong gagawin ko? Anong sasabihin ko? Magpapanic na ba ako?
"Yah Kim! Sinayang mo lang ang gawa kong shake eh!" rinig kong sigaw niya saken pero hindi ko ito pinansin.
"Kheana, hiwalayan mo siya!" sabi ko sa kanya. Halata sa kanya ang pagkagulat.
"MWO? (What?) Waeyo? (Why?) Akala ko ba masaya ka na may nagkakagusto sa aken?" tanong niya saken.
"Kheana, oo masaya ako para sa inyo, pero paano ang pamilya mo? Ano na lang ang sasabihin nila?" sabi ko sa kanya.
"Kim, hayaan mo na saken ang bagay na yan! Magpakasaya na lang muna tayo ngayon. Mahal ko si Aiden, ako na ang bahala kina eomma (Mama) at appa (Papa) pati na rin kay Lola." sabi niya at kumindat pa saken.
Magsasalita na sana ako ng biglang tumunog ang oven hudyat na luto na ang kanyang ginawang cookies.
ANG BABAENG TO!
---------------
Kheana's POVKinuha ko na ang cookies sa oven at nilagay sa plato.
Binigay ko to kay Kim at sinabing...
"Tikman mo na, para sa'yo yan." masayang sabi ko sa kanya.
Tinikman naman niya yun, nakatitig lang ako sa kanya habang kinakain niya yun. Hindi ko mabasa ang mukha niya, masyado siyang seryoso.
BINABASA MO ANG
Princess In Disguise
FanfictionIsang babaeng nagngangalang Kheana Alexandra Morgan.Also known as Princess Alexa.Anak nina Queen Mary Ann Morgan at King Marcos Ryan Morgan.Apo ni Elisa Morgan.Isang makulit na Prinsesa.Pinangangalagaan ng Butler nyang si Butler kim.Sabik syang maka...