XXVIII:KinDy Moments

1.8K 58 0
                                    

***Pinaghalong Kian and Mandy po yan. Happy Reading***

--------------
Kheana's POV

  *Tok *Tok *Tok

Nagising ako dahil may kumakatok sa kwarto ko,panigurado si Kim to. Medyo masakit pa rin ang ulo ko.Nahilo kasi ako kahapon eh.

"Kheana" tawag saken ni Kim.

"Bakit?" tanong ko sa kanya.

Binuksan naman nya ang pintuan para  makapasok sya
--Buti naman naiisipan nya--.

"Ayos kana ba? Masakit pa ba ang ulo mo?" tanong nya saken habang hinihipo ang noo at leeg ko.

"Ok na ko,medyo nahihilo lang."sagot ko sa kanya.

"May gamot sa baba,kumain ka muna bago mo inumin. Aalis ako dahil babayaran ko ang ilaw at tubig natin pati na rin ang Wifi. Huwag kang magalala,bibisita si Kian dito.Gagala daw kayo kaya kung ako sayo tumayo kana dyan at mag-ayos. Baho ng hininga mo!" sabi nya saken. Kailangan talaga sabihing bad breath ako?

"Nahiya naman ang bibig ko sayo! Try mong manalamin, may ketchup pa yang ngipin mo."sabi ko at dumiretso na sa banyo.

"Oo nga no. Bilisan mo dyan ah. Alis na ako. Wag mong ilock ang pinto para manakawan tayo!" sabi nya at lumabas na ng kwarto ko.

Pagkatapos kong magayos ay bumaba na ako at dumiretso sa kusina. Naalala ko,may bago nga palang lipat sa tapat ng bahay namin. Sabi ni Kim kahapon...mabait daw yung may ari. Ang sarap nga ng bigay na bakemac eh.

Anywayss...

   Kumain na ako para mainom ko na yung gamot na sinabi ni Kim. Habang kumakain ako nagvibrate naman ang cp ko kaya tiningnan ko kung sinong nagtext.

From : PogingKian

   Nasa labas ako ng gate nyo.Pakibukas po.

Si Kian pala,Hindi po ako ang nagname ng nickname nya sa contacts ko,sya lang naman ang mahilig magkutingting nyan.

Lumabas na ako para pagbuksan sya.

"Aga mo naman."sabi ko sa kanya.

"Makikikain ako ng breakfast." sabi nya at dirediretso sa loob.

"Kapal naman ng mukha mo."sabi ko at umupo narin sa tapat nya.

"Ang sarap kaya ng luto ni Kim.." sabi nya habang ngumunguya.

"Hey...bawal magsalita habang may laman ang bibig."pangaral ko sa kanya. "Try kitang ipagluto,kakainin mo ah!" sabi ko sa kanya.

"No thanks na lang Kheana." sabi nya.

"Hooyy...marunong na kaya akong magluto. Tinuruan ako ni Kim no!" sabi ko sa kanya.

"Wews!"

"Oo nga...ipagbebake na lang kita bukas,sakto dadalaw din dito sina Kenneth. Tapos mabibigyan ko pa yung katapat ng bahay namin ng cupcakes!" sabi ko sa kanya.

"Alam na ba ni Kenneth ang tungkol sayo?"seryosong tanong nya saken.

"Oo...ang totoo nga nyan pati si Thea ehh!" sabi ko,alam kong may sasabihin pa sya pero pinutol ko na "I trust her naman. Nagpromise sya saken na walang ibang makakaalam ng sikreto ko."sabi ko.

"Sabi mo yan ah! Anyways,nasabi saken ni Kim na madalas daw sumakit yang ulo mo. Sumasakit pa ba?" tanong nya saken.

"Ang totoo nyan,kakagaling lang eh! Iinom pa nga lang ako ng gamot." sagot ko. "Ikaw?sa tingin mo. Babalik kaya yung sakit ko dati?" tanong ko sa kanya.

Princess In DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon