Kheana's POV
"May ipapabili ka ba?" tanong saken ni Kim. Tumango naman ako bilang sagot.
"Ice cream at Marshmallows" sabi ko sa kanya at tumago lang sya.
"Mauna na ako sayo. Wag mong kalimutang dalhan ng cupcakes yung bagong lipat sa tapat." paalala nya saken.
"Opo tay..." pagkasabi ko nun ay sumakay na sya sa kotse at pinaandar na nya yun.
Mag-gogrocery daw sya. Ewan ko ba dun kay Kim,hindi pa sinabay kahapon. Napakasipag talaga!
Isasara ko na sana ang gate kaso may biglang nagpark ng sasakyan sa tapat ng bahay.BInaba nya yung bintana...
"Goodmorning Maaaaandy!" sigaw ni Thea saken at bumaba na ng kotse. Muntik pa nga akong matamaan ng pinto eh -_-
"Aga mo naman atsaka kung makasigaw to akala mo may sunog eh!" sabi ko sa kanya.
"Hindi ka na nasanay sa bestfriend mo Mandy.Nakalunok yata yan ng limampung microphone eh!" sabi naman ni Stephen.
"Hoy wag ka nga,sa tingin mo ba magkakasya sa tyan ko yung limampung microphone?" tanong naman ni Thea kay Stephen.Magsisimula na naman sila -_-
"Oo naman. Sa takaw mong yan hindi imposible yun" natatawang sabi ni Stephen.Akma namang babatuhin ni Thea si Stephen ng sapatos nya dahil tinanggal nya yun...
"Baka gusto mong binyagan ko yang mukha mo." sabi ni Thea.
"Show..."
Hahampasin na sana ni Thea si stephen ng pigilan sila ni Kenneth.
"Oooooooopsss! Sa loob nyo na yan ituloy. Wag kayong gumawa ng iskandalo sa labas ng bahay nina Mandy,tandaan nyo yan" sabi ni kenneth at tinulak sila paloob ng bahay.Sinara ko muna ang gate bago sumunod sa kanila.
"Kumain na ba kayo?" tanong ko sa kanila.
"Walanjo ka naman Mandy...9 am palang kaya."sabi ni Stephen. '9 am PALANG?' Late na nga eh.
"Late na nga eh!" sabi ko sa kanya.
"Mandy,ang tamang pagkain ng Lunch ay 11:00 am hindi 9 am" sabi nya saken. Natawa naman ako kasi hindi naman yun ang ibig kong sabihin.
"Baliw...breakfast ang ibig sabihin ni Mandy" sabi ni Thea atbinatukan si Stephen.
"Kailangan may batok? Masakit kaya!" bulyaw naman ni Stephen kay Thea. Yung totoo? kailan nila balak tumigil? -_-
"Pambawi lang yun sa sinabi mo saken kanina!"
"Grabe ka naman bumawi,masakit kaya. Try ko sayo" sabi ni Stephen at akmang babatukan nya si Thea ng pinigilan ULIT sila ni Kenneth.
"Hindi na ba kayo titigil?" medyo inis na tanong ni Kenneth sa kanila.
Inirapan lang nila ang isa't isa at sabay pang tumalikod.
"Aiiish...alam nyo bumili nalang tayo ng ingredients kung ano man ang lulutuin natin ngayon." sabi ko sa kanila kaya agad na nagtaas ng kamay si Thea at sinabing.
"Magbake tayo ng pie's!" masayang sabi nya.
"Ayoko ng pie's,cupcakes na lang." kontra naman agad ni Stephen sa suggestion ni Thea.
"Nakapagbake na po kaya kami noon ng cupcakes."sabi ni Thea
"Ang tanong nandito ako nun?" tanong ni Stephen.
"Edi umalis ka dito. Bakit ka nga ba nandito ah?" biglang tanong ni Thea sa kanya.
"Kasi wala ako doon." pambabara ni Stephen.
BINABASA MO ANG
Princess In Disguise
FanfictionIsang babaeng nagngangalang Kheana Alexandra Morgan.Also known as Princess Alexa.Anak nina Queen Mary Ann Morgan at King Marcos Ryan Morgan.Apo ni Elisa Morgan.Isang makulit na Prinsesa.Pinangangalagaan ng Butler nyang si Butler kim.Sabik syang maka...