LV:Promise

1.4K 33 1
                                    


Kheana's POV

"Nga pala..dadaan daw dito sina Kian mamaya."sabi ko kay Aiden.

Kasalukuyan kami ngayong nanonood ng movie.Ewan ko ba kung ano to !Popcorn lang naman ang habol ko dito !!

"Bakit daw !?"tanong nya habang tutok pa rin ang mata sa tv.

Nasa akin ang pop corn kaya hindi sya madalas makakuha.Ako na nga yata ang nakakain ng kalahati ehh !!

"May ibibigay daw saken si Lad-- I mean Tita Emma."sabi ko..

Muntik ko nang matawag na Lady Emma si Tita.Pagnagkataon yun...sigurado akong magtataka si Kuneho.

"Ahh..ano daw oras !?"tanong ulit nya..

"Ewan ko.."sagot ko sa kanya habang patuloy sa pagsubo ng popcorn.

Napatigil lang ako sa pagkain nang biglang tumunog ang doorbell namin..

'Sino naman to !?'

Nagkatinginan kami ni Aiden bago ako magpresinta na ako na ang titingin...

"Teka.."napatigil ako nang hawakan ni Aiden ang kamay ko.."Ingat ka ahh..alam mong Mahal na Mahal kita at papakasalan pa kita !!"sabi nya..

Gusto ko sanang matawa sa sinabi nya kaso seryoso yung mukha nya..

Ano na naman bang trip nito !?

"OA..dito lang ako sa gate ohh !!"sabi ko at bumitaw na sa hawak nya.Dumiretso ako sa gate at nakita ang isang dyaryo..

"Tsss.."tanging nasambit ko nang makuha ko ang dyaryo.."Aiish..kailangan ko ba talagang mag-ingat sa dyaryo !?"tanong ko sa sarili ko.

Sinara kona ulit ang gate at pumasok sa loob.

"Sino yun !?"agad nyang tanong saken...

"Ahh..magdya-dyaryo lang !"sagot ko at bumalik sa pagkaka-upo.

"Ahh.Sayang hindi mo naabutan yung Ending story.Ang ganda pa naman !!"sabi nya saken at kinuha yung dyaryo na hawak ko kanina.

"Hindi ko naman naumpisahana ehh !!"bulong kong sabi ...habang nakatutok sa cp ko.

"Lalabas na din pala ang Kind and Queen sa palasyo ehh !!"napatigil ako sa ginagawa ko nang marinig ko ang sinabi nya..

"A-ano !?"

"Sabi ko lalabas na din yung King and Queen sa palasyo.Dba nakalabas na yung Prinsesa pagkatapos nung eighteenth birthday nya...siguro susundan nila."pag-uulit nya.

Sina Mama !?Lalabas na !?Pero bakit hindi ko ito alam !?Wala namang nababanggit sa Kim tungkol dito ahh..miski sina Kian at Lady Emma!

"May 25,2017 muling paglabas ng mahal na Hari at Mahal na reyna..so ibig sabihin bukas na yung dating nila !!"sabi ulit ni Aiden.

Agad napalaki ang mata ko sa sinabi nya..

Bukas !?Kaya ba umalis si Kim !?Kaya ba sya umalis ng tatlong araw at saktong bukas ang balik kasabay nina Mama !?

Bakit hindi nila sinabi saken !?

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon.May side na masaya ako dahil makikita kona ulit sina Mama pero may side din naman na kinakabahan dahil ayaw kong malaman nila na may ka-relasyon na ako dito !Natatakot ako..natatakot ako na baka paghiwalayin nila kami ni Aiden !!

Kim !!Nasan kaba ahh !?Bakit sa tuwing kailangan ko ng tulong mo lagi kang wala !!

Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko dahilan para mapansin ako ni Aiden...

Princess In DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon