Kheana's POV
Maaga akong nagising para makapagluto ng breakfast.
Kahit naman wala akong alam sa kusina, maalam pa rin akong magprito no! Prito nga lang.
Ipagluluto ko si Kim ng breakfast kasi alam nyo na...
Napagisip-isip ko kagabi na naaawa ako kay Kim kaya eto na siguro ang tamang panahon para pagsilbihan siya.Nilagay ko na sa plato ang pinirito kong omelette, bacon at hotdog.
Naiiyak ako sa hotdog, hindi ko naman sinasadya na masunog eh. Muntikan na nga rin yung bacon.
Kasalanan ko bang katext ko si Aidee?
Narinig ko na ang pagyabag ng mga paa ni Kim papunta dito.
"Goodmorning Kim." Masayang bati ko sa kanya.
"Goodmorning din." Sabi nya at akmang lalampasan na yung lamesa kaso mukhang may napansin. "Teka, nagluto ka ba?" gulat na tanong niya saken.
"Oo Kim, upo ka na dito. Tikman mo ang omelette, bacon at hotdog na niluto ko." sabi ko sa kanya at pinaghila sya ng upuan.
"Naku, hindi na. Oorder na lang ako." sagot niya at akmang aalis na pero nahila ko sya sa damit at pinaupo sa upuan.
"Bawal! Tikaman mo ang niluto ko Kim. Minsan lang akong gumising ng maaga para ipagluto ka." sabi ko at nilagyan ng pagkain ang plato niya.
"May sakit ka ba kheana? May nakain ka bang panis? Ok ka lang ba?" sunod sunod na tanong niya.
"Okay na okay ako Kim, wag kang mag-alala." sagot ko sa kanya."Wag ka nga Kheana, anong ipabibili mo?" tanong niya pa dahilan para mapairap ako.
"Wala, kainin mo na lang yang niluto ko!" sabi ko sa kanya.
Kapag kasi pinagsisilbihan ko si Kim laging may kapalit. Nagpapabili ako sa kanya ng anime books, yung mga manga. Nagpapabili rin ako sa kanya ng lifesize teddy bear at talagang gumagawa ako ng iskandalo sa mall hangga't hindi niya ako binibili, natatandaan ko rin yung kasama namin si Kian sa mall dapat nga kami lang dalawa ni Kim kaso nakita namin si Kian kaya sinama nya para na rin hindi ako makapag-pabili sa kanya ng new published book noon na 'Umaru Chan' pero dahil hindi kinaya ng konsensya ko nagwala ako sa harapan nilang dalawa kaya nalaman ni Kian na mahilig ako sa mga anime kaya naibili din ako ni Kim.
Anywayss...
Titig na titig pa rin saken si Kim pilit binabasa ang mukha ko at ang kailangan ko sa kanya.
'Hindi ba nya alam ang kilos-loob?' Sabi ko sa isip ko.
"Yah...Kim. Titigan mo lang ba ako?" tanong ko sakanya.
"Ano ba kasing meron?" tanong nya din.
"Fine. Naaawa na kasi ako sa'yo kaya napagisip-isip ko kung paano bumawi sayo" sabi ko sa kanya.
"Kinaawaan mo pa talaga ako ah! Dapat pala hindi ko na naitanong." sabi nya at sumubo na ng niluto ko.
"Ano? Masarap ba?" tanong ko.
"Pwede na!" sagot naman nya.
"Jinjja? (Really?)" hindi makapaniwalang tanong ko. Tuwing nagluluto kasi ako, laging hindi pasado ehh at eto ang pinakaunang bese na sinabi nya yun.
"Oo." sabi nya ta ngumiti na rin saken.
Kumain lang kami ngayon nga pala ako makikipagkita dun sa lalaking nagtext saken kagabi.
BINABASA MO ANG
Princess In Disguise
ФанфикIsang babaeng nagngangalang Kheana Alexandra Morgan.Also known as Princess Alexa.Anak nina Queen Mary Ann Morgan at King Marcos Ryan Morgan.Apo ni Elisa Morgan.Isang makulit na Prinsesa.Pinangangalagaan ng Butler nyang si Butler kim.Sabik syang maka...