Kheana's POV
*Kriiing *Kriiing *Kriiing
Agad kong pinatay ang alarm clock ko at dahil inaantok pa ako,natulog ulit ako.
Tok Tok Tok
Sino naman kaya tong isang nilalang na kumakatok sa kwarto ko. Ang aga aga wagas makapanira ng tulog.
"Mandy." sabi nung kumatok. Si Kim to pustahan.
Sino pa ba?
Bakit naman nya ako tinawag na Mandy eh kami lang namang dalawa dito?
"Mandy,bumangon ka na dyan.May bisita ka sa baba." sabi nya.
Ano daw? Bisita? Sino naman?
Agad kong binuksan ang pinto at muntik ng matumba si Kim dahil nakasandal sya dito.
"Anong sabi mo?" tanong ko sa kanya.
"Sabi ko bumangon ka na dahil may bisita ka sa baba." pag uulit nya.
"Bisita? Sino naman?" tanong ko ulit sa kanya.
"Aish...try mo kaya munang magtooth brush,ikaw na babae ka may pasok ka di ba. Bakit di ka pa nag-aayos." sabi nya saken.
"Ay,oo nga pala." bigla kong naalala may pasok nga pala ako. Buti na lang kinatok ako ni Kim
"Dalian mo,nag-iintay sya sa baba." sabi nya at lumabas na nang kwarto ko.
Naligo na ako at nagayos,nagbihis na ako ng school uniform at nagsuklay.Pagkatapos nun kinuha ko na ang mga gamit ko at bumaba.
Habang pababa ako hindi ko naman makita kung sino ang bwisitang sinabi ni Kim.
"KIIIIIIIIM" sigaw ko sa bahay.Asan na naman kaya ang isang yun. Haiist,mag isa na naman ba akong kakain ng breakfast?
Pagkarating ko sa kusina halos mahulog ko ang dala kong bag.
What The Hell? Anong ginagawa nyan dito?
Kumurap ako ng ilang beses.Nagbabakasakaling imahinasyon ko lang yun,pero what the...totoo sya!
"Makasigaw ka naman Mandy..hindi ka na nahiya sa bisita mo." sabi ni Kim pero di ko yun pinansin kasi nakatitig parin ako sa isang 'Hayop na kumakain ng Carrots'
"Wala ka bang balak umupo? Malelate tayo nyan." sabi ni Rabbit. Kapal neto ahh,kagabi lang magkasama kami tapos ngayon agang aga mukha nya sasalubong saken.
Umupo na ako sa tabi ni Kim.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya habang kumukuha ng bacon.
"Mandy,ganyan ka ba mag-greet ng bisita mo?" tanong saken ni Kim.
Haiist,isa pa to eh. Makisama ka na lang Kim.
BINABASA MO ANG
Princess In Disguise
FanfictionIsang babaeng nagngangalang Kheana Alexandra Morgan.Also known as Princess Alexa.Anak nina Queen Mary Ann Morgan at King Marcos Ryan Morgan.Apo ni Elisa Morgan.Isang makulit na Prinsesa.Pinangangalagaan ng Butler nyang si Butler kim.Sabik syang maka...