***First of all..Congratulations sa ating one and only IU sa kanyang new album, 'Palette feat. G-dragon' check it out guyz***
Kheana's POV
"Tapos na" pagod na sabi ko. Buti nga natapos na eh. Gusto ko na kasing magpahinga.Tumayo na ako. Pagkatayo ko napahawak ako sa ulo ko dahil medyo kumirot ito.
"Ok ka lang?" tanong saken ni Rabbit. Napatingin naman ako pero di rin nagtagal ay natumba na ako.
Hanggang dun lang and everything went...ano? black? Hindi no...everything went brown! Kakaiba yata to! Charot!
----------------
Aiden's POVKasalukuyang nakahiga si Lampa sa guestroom at inaasikaso ni mama.
Tatawagan ko kasi ang butler/brother/father/housemate nya na si Kim.
Nagriring na at ilang segundo lang ay sinagot na nya yun.
"Hello? Kheana?"
Kheana? Sino naman yun? Bakit nya tinatawag si Lampa sa pangalan ng prinsesa?
"Ahh,hello? Hindi po ito si Kheana. Classmate poi to ni Mandy. Gumagawa po kasi kami ng project kaso bigla na lang nahimatay si Mandy." paliwanag ko dun sa Kim.
"Ano? Teka...nasan kayo? Susunduin ko na sya. Ayos lang ba sya? Gising na ba?"
"Ayos na po sya. Gising na rin po sya. Text ko na lang po sa inyo ang address ng bahay namin"
"Sige,salamat"
Pagkasabi nya non in-end call ko na. Tinext ko na rin sa kanya ang address ng bahay namin. Pagkatapos non dumiretso ako sa kwarto kung nasan si Lampa.
--------------
Kheana's POVNagising na ko. Ilang minuto din ata akong walang malay.
Pagkamulat ko ng mata,pulang bagay agad ang nakikita ko.
Teka. Nasa impyerno na ba ako? Bakit naman sa ilalim? Ang bait bait ko kaya!
Nabalik ako sa realidad ng may biglang nagsalita.
"Mandy,buti naman gising ka na" sabi ni Tita Aimee. Ibig sabihin hindi pa ako patay? Kasi namang kisame to eh,pulang pula!
Uupo na sana ako kaso pinigilan naman ako ni Tita Aimee.
"Wag ka munang tumayo ija. Hindi na ba masakit ang ulo mo?" tanong nya saken.
"Hindi na po. Uuwi na po ako,nag-aalala na po saken ang butler ko." sabi ko at akmang tatayo na kaso pinigilan nya ulit ako.
"Tinatawagan na ni Aiden,kaya wag kang masyadong mag-alala darating na rin yun mamaya" paliwanag saken ni Tita Aimee kaya napatango na lang ako.
"Eto,inumin mo muna to para hindi na sumakit ang ulo mo. Bakit ka ba biglang nawalan ng malay?" tanong saken ni Tita Aimee pagkatapos nyang i-abot saken ang gamot. Ininom ko muna to bago ko sya sinagot.
Ang totoo nga nyan hindi ko rin alam.
"Nalipasan lang po siguro ng gutom" sagot ko at biglang bumukas ang pintuan.
Si Mr. Rabbit lang pala...
"Natawagan ko na ang butler mo,pupunta na rin yun dito." sabi nya "Ok ka na ba?" tanong nya saken.
"Oo,ayos na ko. Salamat." sagot ko sa kanya at biglang may nagdoorbell.
"Baka ang butler mo na yun. Bumaba na tayo." sabi ni Tita Aimee kaya tumayo na ako at sumunod sa kanila.
"Salamat po ulit Tita Aimee and Rab-- este Aiden. Sorry po sa abala" sabi ko sa kanila at nagbow.
"Walang anuman Mandy at wag kang mag-alala hindi ka abala dito." sabi naman ni Tita Aimee kaya napangiti nalang ako.
Dumiretso na ako sa sasakyan at sumakay na para maka-uwi na kami ni Kim.
"Ayos ka na ba?" tanong saken ni Kim habang nagdadrive.
"Oo,pero sa tingin mo. Bakit kaya nangyari saken yun?" tanong ko sa kanya.
"Hindi kaya bumalik ang dati kong saket?" tanong ko ulit at mukha namang nabigla sya sa sinabi ko.
"Ano ka ba naman Kheana? Kita mo namang malusog si Mother Elisa diba?"
"Pero paano kung tinatago nya lang pala saten. Diba ganito din yung simula ng nagkasakit ako." sabi ko sa kanya. "Kim,natatakot ako. Baka bumlik ulit yung dati." sabi ko sa kanya.
Sobra kasi ang naranasan ko noon. Sobrang sakit. Ayoko nang maranasan pa!
Mahirap mang paniwalaan pero pawang magkatugma ang buhay naming ni Lola. Sabi ng iba,mahirap daw ipaliwanag ang ganoong sitwasyon. Sa tuwing nagkakasakit si Lola,ganun rin ang nangyayari saken. Lalo na nang itinago nya samen ang karamdaman nya. Nanghina at halos mamatay na ako dahil sa karamdaman ko noon. Ayoko nang mangyari ulit yon!
"Ano ka ba? hindi mangyayari yun. Hangga't nandito ako,aalagaan kita." sabi nya.
Sana nga Kim.
>>>>>>>>>>>>KINABUKASAN<<<<<<<<<<
Mama/Tita Aimee's POVUmaga na naman. Alam nyo kung bakit? Kasi hindi gabi.
"Mama,alis na po ako" sabi ng aking the one and only handsome son. Dito sya tumulog kagabi dahil kinonsensya ko sya. ^_^
"Oy...may nakalimutan ka na naman." sabi ko sa kanya at nagcross arm pa. Eto talagng batang to napaka-makakalimutin.
"Ay...oo nga pala." sabi nya sabay lapit saken. "Baon ko po" sabi nya.
Aba nga naman...
"Hoy,nabigyan na kita ng allowance mo noh. Atsaka hindi yun ang tinutukoy ko." sabi ko sa kanya. Masyado ng nadadala itong bata na ito.
Tsk...tsk...
"Ay naku Mama...hindi ka na talaga mabiro." sabi nya sabay kiss sa cheeks ko. "Bye Ma. Sa unit po ako didiretso." sabi nya at sumakay na sa kotse.
Talaga nga namang bata iyown. Napakagwapo at napakabait. Bagay talaga sila ni Kheana.
Anywayss...
Wala akong trabaho ngayon. Alam nyo kung bakit? Kasi nandito ako ngayon sa labas ng bahay at nagdidilig.
Maiba ako...unti unting nalalanta ang halaman ko dito. Kakalagay ko lang ng fertilizer nito nung isang araw.
Hindi kaya...
Yung nangyari kay Mandy at kay mother Elisa? Mangyayari kaya ulit yun?
Kung nagtataka kayo. Kilala ko si Mandy. Alam kong sya si Kheana,kaibigan ko ang mama nya.
Hindi ko to sinasabi kay Aiden dahil ayokong pangunahan si Kheana.
Alam ko ang nangyari sa kanya noon. Nagkasakit sya noong sya'y 10 yrs. Old palang. Halos magkaparehong magkapareho ang dugo nila ni Mother Elisa dahil noong araw na tinamaan si Kheana ng sakit ehh nasa kritikal na kondisyon si Mother Elisa.
Malubha ang naging sakit nilang dalawa na naging dahilan para muntik nang sumuko si Mary Ann,nagflatline na si Kheana noon pero ilang segundo lang ay gumalaw ang daliri nito at nagsimula uling magbeat ang puso nya. Agad na tinawag noon ang doktor at sinabing ayos na ang lagay ni Kheana pero agad din namang nyang sinabi na under comatose ito.
Doon ko lang napatunayan na isang matapang na babae si Kheana. Nagawa nyang lumaban sa kabila ng mga pinagdaanan nya.
"Ahh...Ma'am yung halaman po lunod na" nagulat ako ng biglang nagsalita yung maid namin.
Napatingin naman ako sa halaman at nakuu...
Kawawa naman,mala-swimming pool na nga!
--------------
END OF CHAPTER. Nagustuhan nyo ba? Medyo maikli lang ngayon kaysa sa ibang ud kom pero ok lang naman siguro kasi mahal ko kayo. See you next chap. Annyeong!
BINABASA MO ANG
Princess In Disguise
FanfictionIsang babaeng nagngangalang Kheana Alexandra Morgan.Also known as Princess Alexa.Anak nina Queen Mary Ann Morgan at King Marcos Ryan Morgan.Apo ni Elisa Morgan.Isang makulit na Prinsesa.Pinangangalagaan ng Butler nyang si Butler kim.Sabik syang maka...