Aiden's POVMaaga akong nagising para mabisita si Mandy sa kanila.Ngayon din kasi ang dating ni Kim ehh.At gusto ko talagang malaman kung anong nangyari kahapon.
Dumiretso ako sa salamin at tiningnan ang repleksyon ko.Hinawakan ko ang labi ko..dama ko pa rin ang labi nya.
"AIDEN I'M SICK...AND I'M F*CKING DYING !!"
So bumalik ang sakit nya !!Pero bakit hindi nya pinaalam saken....
"Aiden may sakit ako.Kailangan kong ma-operahan.Aiden aalis na ako but I'm not breaking up with you.Gusto nila na paghiwalayin tayo but I can't.Pagbalik ko...hahanapin kita.Babalikan kita...promise me Aiden na sana pagbalik ko ako pa rin."
Pangako Mandy...ikaw pa rin hanggang bumalik ka...
Pero teka !!Kailan ba sya aalis !?At kailan sya babalik !?
Aiiish..bakit hindi mo tinanong Aiden !!?
Agad akong nag-ayos ng sarili ko at dumiretso sa tapat ng gate nina Mandy...
Bakit lock !?Bakit nakababa ang mga kurtina !?Bakit parang walang tao sa loob !?
Tumingala ako para makita ang kwarto ni Mandy..pero katulad lang din ng nasa baba ay nakasara ang kurtina nito.
Lumabas sa Gate si Kim na may dalang mga bagahe.Halata sa mukha nya ang gulat ng makita ako...
"Aalis ka Kim !?"tanong ko sa kanya habang pina-podlock ang gate.
"Oo."cold nyang sagot.
"Si Mandy !?Nasaan sya !?Pede ko ba syang makausap !?"sabi ko habang nakangiti ng peke...ayokong mahalata na kinakabahan ako.
"Wala na sya Aiden.Iniwan ka na nya...at kahit kailan hindi na sya babalik dito.Dba binalaan na kita una palang..na hiwalayan mona si Mandy.Kaya kung ako sa'yo...back off"sabi nya.."Hindi mo pa lubos na kilala ang Mandy na kilala mo ngayon.Marami syang tinatagong sikreto na ayaw nyang ipaalam sayo."dagdag pa nya...
Bigla kong naalala ang mga salitang sinabi nya saken...
"Kung wala kang magandang intensyon kay Mandy.Ngayon palang lumayo kana...dahil iba si Mandy sa iniisip mo.Hindi mo pa lubos na nakikilala ang isang Mandy.Kaya Aiden...kung ayaw nyong masaktang dalawa...maghiwalay na kayo sa lalong madaling Panahon."
"Anong sikreto !?Sabihin mo naman kim ohh..wala na talaga akong maintindihan ehh !!"naiiyak na sabi ko.
"Aiden..si Mandy at Princess Kheana ay iisa.Nagpanggap si Kheana na maging nerd at isang Mandy dahil sa utos ni Mother Elisa...ang lola nya.Lahat nang nagyayari sa kanya kinukwento nya saken.Mga nangyayari sa school,mga bago nyang kaibigan,at pati ang pambubully mo.Pinaalam nya din saken ang naging confession ni Kenneth.Pinaalam nya rin saken yung panliligaw mo,kung paano naging kayo,at kung paano mo sya pina-iyak.Halos isang buwan syang nagkulong sa kwarto nya nung mga panahong yun.Akala ko hindi na babalik ang dating sweet na Kheana,pero dahil sa'yo bumalik ulit sya.Alam mo naman siguro ang tungkol sa sakit nya.Naoperahan sya nung 10 palang sya.Akala namin stable na yung kalagayan nya kaya nakalabas sya nung ospital at succesful yung operation nya.Pero simula nang lumabas kami nang palasyo...lagi nalang nahihilo si Kheana.Naninikip ang dibdib.Sumusuka ng dugo.Pero kahit ganon sya nagawa nya pa ring magsaya.Ayaw nya na kinakaawan sya,ayaw nya na mag-alala kayo,lalo kana Aiden.Nasa ibang bansa na si Kheana.Dun isasagawa ang pago-opera sa kanya.Hindi ko alam kung kailan sya makakabalik dito...sa ngayon ang tanging gawin nalang natin ay ang ipagdasal sya."paliwanag saken ni Kim...
Hindi kona napigilang umiyak.All this time nahihirapan na pala si Mandy.At ayaw nya pang ipaalam saken.
Tinago nya rin saken ang pagiging prinsesa nya..at ngayon nasa isang hukay ang mga paa nya.
BINABASA MO ANG
Princess In Disguise
FanfictionIsang babaeng nagngangalang Kheana Alexandra Morgan.Also known as Princess Alexa.Anak nina Queen Mary Ann Morgan at King Marcos Ryan Morgan.Apo ni Elisa Morgan.Isang makulit na Prinsesa.Pinangangalagaan ng Butler nyang si Butler kim.Sabik syang maka...