Chapter 4 - Estranged

1.1K 13 1
                                    

Natapos ang lunch break na namumula ang tenga ni Karlo at Nick.

"Ang lupit talaga ng best mo Roy." sambit ni Karlo.

"Kayo kasi." natatawa kong sambit.

"Eh di pano yan, hindi mo na kami ibubuking kay Donnalyn?" tanong naman ni Nick.

"Oo nga Roy, hindi ka naman namin binuking sa bestfriend slash long time crush mo." pakiusap ni Karlo.

"Sige, pero sa isang kondisyon." sabi ko.

"Ano naman?" tanong ng dalawa.

Napakamot bigla ako nang ulo. Sa totoo lang wala rin akong maisip na ikokondesyon.

"Ang kondisyon ay ibibigay nyo yung meryenda nyo next week sa akin." singit naman ni Juancho.

"Yun! tama yun." pagsang-ayon ko naman.

"Hay kinukonsinte mo naman katakawan nyang si Batchoy." sambit ni Nick.

"Pero ayus na rin yun." nakangiting sambit naman ni Karlo.

"Hay!" ininat ni Karlo ang mga kamay sabay buntong hininga.

"Oras na naman para sa ating sleeping subject." sambit nito.

Tama sya dalawang oras na naman na walang gagawin kundi magbasa. Mula kasi nung Disyembre ganun na routine ng pagtuturo ni Mam Florence. Mukha kasing busy sya sa faculty o kung saan man sya nagsususuot, pero okay na rin yun dahil nabigyan naman ako nang chance na maka experience mang finger.

Umupo na ako sa upuan ko sa dulo. Nakangiti sa akin si Donnalyn. Oo nga pala nakalimutan ko na nag try nga pala ako kanina na kausapin sya kahit hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin. Hindi ko tuloy maiwasang ma concious. Pagtingin ko sa bandang unahan nakatingin sa amin si Marco at Sheila nakatingin na din sa kanila si Donnalyn na tila nahihiya. Sumenyas naman ang dalawa sa kanya at nag thumbs up pa. Napuna kong sumimangot sya nang konti pero bakas pa rin sa mukha niya ang hiya. Maya maya pa ay bumaling na ang paningin nya sya akin.

"May gusto kang sabihin sa akin kanina di ba?" nakangiting tanong nito.

Napatitig ako sa kanya, kitang kita na namumula na naman ang pisngi nya.

"Ha?, Ah! Yung kanina? Wala yun kalimutan mo na." nakangiti kong tugon.

Napakunot sya nang noo at tila lumungkot ang kaninang masigla nyang mga mata. Natigilan siya saglit at mukhang nag-iisip. Lumigid ligid ang mata ni Donnalyn sa silid aralan.

"Ano, ah, tungkol sa nangyari noong Wednesday ang nais mong pag-usapan, hindi ba?" tanong nito.

"Don't worry, kalimutan mo na yun. Nangibabaw lang naman curiousity natin." nakangiti niyang dugtong.

Ngumiti naman ako pabalik sa kanya. Ayos ito walang magiging problema sa loob loob ko, pero nalungkot na din ako nang konti dahil naisip ko na wala nang balak pa si Donnalyn na maulit ang nangyari sa amin.

Lumipas ang mga araw na hindi na muling naungkat ang nangyari sa aming dalawa ni Donnalyn. Bumalik na rin kami sa tulad nang dati, yung tipong "Hi, Hello" na lang ang batian. Kung minsan ay hindi pa nga kami nagpapansinan. Okay na rin to, tutal si Nikki naman talaga ang gusto ko. Napagdesisyonan ko na isang magandang panaginip na lang ang nangyari sa amin ni Donnalyn. Isang pantasya na babalikan ko sa tuwing mag-isa ako sa kuwarto o magbabate ako sa banyo.

***************^_________^****************

Huwag po sana kayo madisappoint. May mga darating pa naman pong aksyon. Syempre nilalagay ko pa rin po ang ibang pangyayari para mas ma-appreciate nyo po yung maaksyon na eksena. Sana po ay kasama ko pa rin po kayo. Thank you po sa pagsubaybay.

Your Rascal KnightWhere stories live. Discover now