Chapter 29 - Intertwined

447 12 3
                                        

"Roy!"

Ayun, ang tropa. At talagang todo pa sa pagkaway.

"OA kayo sa pagkaway, kala tuloy nung iba artista ako." Sambit ko paglapit sa kanila.

"Ang feeling mo tol!" Nakangiting sambit nang tatlo.

"Ano nga section mo Roy?" Tanong ni Nick.

"Section 4, bakit?"

"Yun!" Sambit ni Karlo.

"Oh anong reaksyon yun?" Tanong ko.

Ipinakita naman ni Ben yung papel niya kung saan nakasulat section niya at schedule.

VI

"What the?" Bulalas ko nang marealize na ibang section si Ben.

"Sorry tol, mukhang di tayo magkaklase." Bakas ang pagkadismaya sa mukha ni Ben.

"Loko kasi, nalilito sa Roman numerals kala niya na yung VI ay 4." Natatawang sambit ni Nick.

"Mukhang hindi talaga tayo magsasama sama sa isang klase. Iba iba pa sched ng lunch break natin." Sambit ni Karlo.

"Oh! Look who's here!" Pamilyar na boses.

"Alfred." Naningkit ang mga mata ni Karlo.

"Anong section ninyo mga pre?" Tanong ni Alfred. Bago pa man may sumagot sa amin ay sinabi na niya ang kanya.

"Six ako." Sambit niya.

"Yun! Magkaklase tayo." Sambit ni Ben.

"Ayos. Marami tayong magkaklase na galing sa elementary natin." Sambit ni Alfred.

"Talaga?"

"Oo, si Sheila at Jody ay kasection natin. Sabay ka na sa amin Ben, andun na sila sa Building III, hinahanap classroom natin." Pag-aaya ni Alfred.

"Pano mga tol, sama na ko dito kay Alfred at baka maligaw pa ako." At nagpa-alam na nga si Ben.

"Roy?" Kilala ko boses na yun.

"Ricky, Belle!" Bati ko.

"Huwag mong sabihing magkaklase kayo?" Tanong ko pa.

Ngumiti naman si Belle.

"Oo." Abot tenga ngiti ni Ricky.

"Destiny?" Kantsaw ni Nick.

"Section seven kami. Kayo ba?" Tanong ni Ricky.

"Si Roy ay four, si Karlo ay ten, ako ay C." Sambit ni Nick.

"Wow! Science class ka?" Tanong ni Belle.

"Sayang class." Sabat ni Karlo.

"Huh?" Tanong ko.

"Alas syete pa nasa sched nyan tamo, 7:45 na nakatambay pa dito." Sambit ni Karlo.

Iba nga pala sa Science Class, kung sa amin na normal class lang kalimitang sched ay 8:00-3:00, 8:30-3:30, 9:00-4:00, ang Science class ay 7:00-4:00.

"Unang araw lang nang pasukan, okay lang yan." Sambit ni Ricky.

"Sabagay!" Sambit ko naman.

"So pano, eight ang start namin, hanapin pa namin yung classroom." Paalam ni Ricky.

"Ikaw ba Nick? May balak ka pa bang pumasok ngayong araw?" Tanong ko.

"Sa totoo lang gusto ko itry yung sinasabi nung mga taga sa amin na komics shop dyan sa may palengke." Nangingiting sambit ni Nick.

Your Rascal KnightWhere stories live. Discover now