It's the second week of my summer vacation, at ano ba itong ginagawa ko. Arcade maghapon at paglubog ng araw narito sa likod ng lumang basketball court, namboboso sa banyo nila Mang Carding.
Ilang araw na rin ang lumipas at tila walang free time itong sila Diana, Roan at Jean kaya itong si Gary lang ang natambay sa arcade house. Sabagay baka pagkaguluhan lang ng ibang lalaki yung mga iyon. Dumami na kasi ang dumarayo ng arcade lalo na sa video karera. Kaya naman bakas kay Ka Nido ang saya dahil lumalaki na kita niya sa negosyo.
"Grabe ang hot talaga nilang lahat." sambit ni Zed.
"Sayang hindi na muli nating nakatambayan yang tatlo. Hindi tuloy makaiskor." sambit naman ni Jepoy.
"Oo nga buti yang si Roy nakatikim ng kiss kay Ms. Diana." nagseselos na sambit ni Zed.
"Sa pisngi lang naman at tsamba lang yun, di na mauulit." sambit naman ni Jerone.
"Sus! Selos na naman." natatawang kantsaw ni Jepoy.
"Hay! Tama na nga itong kalokohan natin. Gabi na kaya uwian na tayo." pag-aaya ko.
Sa bahay
"Oh Roy anak, wala ka dun sa arcade. Saan ka na naman nagsuot?" tanong ng Inay.
"Sa court po." maikli kong sagot.
"Magbasa basa ka naman ng mga libro para may mapala ka sa summer vacation mo." sambit ni Inay.
"Sweet naman, bakasyon naman ng mga bata. Hayaan mo na munang magsaya." sabat ni Itay.
"Mas masaya tay kung bibilhan mo kami ng bike." sabat naman ni Rey, bunso kong kapatid. Grade three siya sa susunod na pasukan.
"Ay sige, hindi na Play Station ang bibilhin ko sa sweldo. Tig-isang bike na lang." agad na pag-sang-ayon ni Itay.
"Yes!" at napatalon pa itong si Rey.
Nanlaki naman ang mga mata ko.
"Tay, wala namang ganyanan." ungol ko.
Matagal ko na kasing hinihingi yung PS sa kanila. Sa totoo lang dalwa kami ni Rey nagrerequest nun. Ewan ko ba. Nakita lang naman nung batang ito ang bisekleta ng iba niyang kalaro, bigla bigla iyon na ang trip. Eto namang itay, sigurado sa patipid kaya sang-ayon agad sa bike.
"Huwag ka nang kumontrang bata ka. Puro arcade na lang at text inaatupag mo. Wala ka nang exercise. " sambit ni Inay.
"Wala bang excercise tong si Roy? Alam ko nagbabasketball to. Palagi naman siyang andun sa basketbolan kung wala sa arcade ah" pagtataka ni itay.
"Si kuya nagbabasketball? Eh atambay lang yan dun sa likuran nung court. Doon kina..." napigil ko ang pagsasalita ni Rey nag salpakan ko ng mamon yung bibig niya.
"Umm, nom nom, kuya meron ka pa nyan?" tanong nito pagkatapos ubusin yung isinalpak kong mamon.
Ibinigay ko na lang sa kanya yung buong plastic para hindi na tumuloy sa pagdaldal niya. Mahirap na baka kung ano isipin ng mga magulang namin kapag naikuwento nitong si Rey na nakita niya kami sa tabi ng banyo nila Mang Carding.
Sabado, umalis ng maaga si Itay kahit ba day off niya. Alam na. Bibilhan na nga niya kami ni Rey nang tig-isang bisekleta. Hindi nga ako nagkamali dahil pagdating nang tanghali ay may dala na ngang dalawang bike si Itay. Kulay blue yung isa at red naman yung isa. Dahil bunso si Rey, sya agad ang unang pumili nung color blue.
Kaagad naman naming tinesting yung mga bisekleta. Nagpaalam kami kina Inay at Itay na doon muna kami sa basketbolan. Gulat ko naman at nadoon din nakatambay sa may court sina Diana. Hindi naman ako nagtaka kung bakit nadoon sina Jerone. Expected na yun dahil sa lakas ng pang-amoy ng mga ito.
YOU ARE READING
Your Rascal Knight
RomantikYour Rascal Knight Roy "Pilyo" Caballero is Your Rascal Knight (Pilyong Kabalyero). Let's follow his mischievous and Naughty adventures, his experiences in sex, love and life. ◀◀◀◀◀◀◀◀▶▶▶▶▶▶▶ This story is not suitable for persons whose height is...
