Chapter 19 - Separations

644 11 2
                                    

Nagsipagtipon na ang mga estudyante nang grade 4, 5 at 6 sa school gymnasium. Eto na yung iniintay nang marami sa mga estudyante bago ang Graduation naming mga grade 6 - ang Recognition Day.

Excitement ang mababakas sa mga grade 5 and 4 students kahit ba alam na nila kung sino sino ang makakatanggap ng award. Marahil dahil siguro iyon sa inihandang intermission number nang graduating star class.

"Lahat tayo ay magsitayo at ilagay ang ating kanang kamay sa kaliwang dibdib." sambit ni Mam Rojas. Aawitin na ang pambansang awit. Sisimulan na ang programme.

"Kaninong kaliwang dibdib ko ba ilalagay tong kamay ko?" nakatawang tanong ni Nick.

"Eh di kay Emily." sagot naman ni Juancho.

"Eh, anlayo kaya nya. Anhin ko yang si Roy,  katapat lang sa pila si Nikki." sambit naman ni Nick.

"Manahimik nga kayong dalawa." sabat ko.

Hindi na ako tumingin kay Nikki. Baka lalo lang siyang mailang. Hindi na niya ako iniimikan at umiiwas na rin siya sa akin. Last week kasi after nung magtapat ako sa kanya ay niligawan ko na siya nung next day. Naiilang siya lalo na nung niloloko na kami nang iba naming classmates. Sinubukan ko rin siyang halikan sa labi at yakapin nung maasign kaming cleaners last Friday. Doon nagalit siya ng husto sa akin. Di ko nga naman daw siya girlfriend at hindi porket bestfriend ko siya ay pwede ko na iyong basta gawin. In short binasted na nga niya ako. It was a wrong move for me. I just lost my bestfriend slash long time crush. At the same time kumawang din sa akin si Donnalyn. Inamin sa akin ni Marco na matagal na daw akong crush ni Donnalyn. At yung mga time na ini spend naming dalawa ay naikuwento pala sa kanya. Feeling daw niya ay pinaglaruan ko ang nararamdaman ng kaibigan nya. Ganun din si Donnalyn kaya ngat hindi na rin ito lumalapit o nakikipag-usap sa akin.

Matapos ang Flag Ceremony ay nag speech na ang Principal. Kasunod nun ay Pagtawag sa pangalan ng mga primary awardees at intermission number. Interpretative dance ang ginawa nang grupong pinangungunahan ni Hazel at Jon. Yung background song  ay kinanta nang grupo nila Ram. Ala choir ang banat. Magaling ang pagkaka execute nila. Yung tema ay kalikasan siyempre yung gamit na props sa stage ay yung pinaghirapan ng grupo namin ni Donnalyn.

Ngayon, yung drama group na ang mag pe perform. May problema nga lang. Absent si Karlo. Siya pa naman yung naganap na bully sa character ni Alfred.

"Since kaibigan mo si Karl, ikaw na Roy ang pumalit sa role nya." Pakiusap ni Mam Florence.

Kabisado ko naman na yung papel ni Karlo dahil sa pinanood ko naman praktis nila saka nabasa ko na yung script.

"Okay po Mam." sagot ko.

Napilitan na rin ako. Hiya ko na lang sa mga classmates ko na naghirap sa pagprapraktis magawa lang ito. Saka nakarecord na naman sa tape yung mga salitaan. Lip sync na lang ang gagawin saka aksyon.

Nairaos ko yung mga unang eksena. Madali lang kasi. Mga simpleng pambubully lang kay Alfred. Pero yung isang eksena medyo nakakailang. Kokonprontahin ako ng gumaganap na nanay ni Alfred. Walang iba kundi si Nikki.

"Uhuuy!" kantyaw nung mga classmates namin sa audience.

Medyo nakaramdam ako ng hiya pero si Nikki tila isang professional actress. Tila hindi siya naapektuhan sa mga kantyaw.

Pak!

Kahit akting lang, napakasakit nung sampal sa akin ni Nikki. Naalala ko yung sampal niya nung naghihintay kami ng jeep pati na rin nung nasa classroom kami.

Your Rascal KnightWhere stories live. Discover now