Chapter 21- Sixteen

605 14 2
                                    

Sa mga nakalipas na araw kasi ay dito na lagi kami tumatambay sa arcade nila Zed.

"Pwede ba kaming makitambay?" tanong ni Gary.

Si Gary yung bading na anak ni Mang Carding. Classmate siya ni Zed at patay na patay ito kay Zed. Kasama niya yung mga alaga ng tatay niya. Instruction kasi ni Jerone yun.

(Flashback)

"Hi Gary!" bati namin ni Jerone.

"Oh, hi guys!" todo kaway at ngiti ang bakla.

"Nakakapanibago naman kayo at napapansin niyo na ang beauty koh." dugtong pa nito.

"Kamusta daw sabi ni Zed." sambit ko.

Lumapit pa si Gary sa amin tapos tinapik ako sa dibdib.

"Ikaw ha, wag ka magbiro nang ganyan. Nasa shy ako." nakangiti at namumula pa ang tisoy na pisngi ni bakla.

Napatawa naman kami ni Jerone.

"Pero Gary, gusto mo maka- close si Zed di ba?" tanong ko.

"Siyempre naman. Di ba obvious na head over heels ang beauty ko para sa kanya?" sagot nito.

"Ayos! Ganito may paraan kami para hindi naman obvious ang paglapit mo sa kanya." paliwanag ni Jerone.

"Sure? Hindi awkward?"  tanong ni Gary.

"Oo pare, este Gary. Foolproof ang planong to." sambit ko.

"Game. Tell me." nanlalaki pa ang mata ni bakla at yung ngiti niya ay abot na ang tenga.

"Okay, eto ang plano. Kunwari igagala mo yang mga bagong girls ng daddy mo." bulong ni Jerone sa tenga ni Gary.

"Tapos?" tanong naman ni Gary.

"Ayain mo naman silang mag-arcade o kaya video karera." pagpapatuloy ni Jerone.

"Oo nga no. May arcade na nga pala kina Zed. Nice Idea Jerjer." hinalikan pa ni Gary sa pisngi si Jerone.

Pigil naman ako sa pagtawa. Alam kong asiwa si Jerone sa ginawang iyon ni Gary.

"Pwede ba? Save yout kisses for Zed." Kaagad pinunasan ni Jerone yung pisngi niya.

"Galit ka ba?" tanong ni Gary.

"Ay hindi." nakangiti kong sambit habang umaakbay kay Jerone.

"Nag-aalala lang tong si Jerone na baka makita ni Zed ang ginawa mo. Sige ka baka isipin nun unfaithful ka." aking pagpapatuloy.

"Sabagay." sambit ni Gary sabay tungo sa kanilang bahay.

(Back to the present)

"Siyempre naman." sagot agad ni Jepoy. At talagang umalis pa ito sa kinauupuan at ibinigay iyon kay Gary upang magkatabi sila ni Zed.

"Shit!" mahinang nasambit ni Zed.

Alam kong ayaw na ayaw niyang makasama yung bading.

Ako naman ay nasa fruit game machine.

"Ay, pano ba yan?" ang ganda naman ng tinig na naririnig ko mula sa aking likuran.

Ibinaling ko ang aking mukha at nakaharap na sa akin ay malulusog na dibdib. Dibdib iyon ni Diana. Tila uulwa na sa suot niyang blue sando. Oh, tanong pa kayo kung bakit dibdib agad nahagip ng mukha ko? Three inches kaya yung tangkad niya sa akin at saka nakatungo ako.

Your Rascal KnightWhere stories live. Discover now