Chapter 18 - Jealousy

682 13 2
                                    

Nakakasorpresa talaga ang mga nangyayari. Muntik muntikan nang mahuli sa akto kaming dalawa ni Donnalyn. Mabuti na lamang at mabilis ang reflexes namin. Take note, madami dami din silang maaring makaabot sa makamundong namagitan sa amin.

"Donna!" Si Sheila, Marco at Emily iyon. Lumapit kaagad sila kay Donnalyn at bumeso. Napalunok na lang ako nang maisip ko na yung pisngi ni Donnalyn na hinalikan ni Sheila ay may katas ko kani-kanina lang. Nalasahan kaya niya yun?

"Somethings off about you Donna." sambit ni Marco. Batid sa mukha ni Donnalyn ang pagtataka.

"Yeah, strange." suminghot singhot pa ang bading. Shet, huwag mong sabihin naamoy nya yung katas ko na pumutok sa bibig ni Donnalyn?

"Huh? Ano ka ba Marco?" tanong ni Donna. May laman din yung pagkakatitig niya kay Marco.

Napuna ko na medyo nanlaki ang mata ni Marco. Lumingon ito sa aming mga classmates na nasa may bungad pa ng kuwarto.

"Ah, guys sa baba na nga tayo. Ikaw rin Roy." sambit ni Marco. Tumingin pa ito sa akin nang kakaiba. Ano kayang tumatakbo sa isipan nang bading na to?

"Sige guys, mauna na kayo sa baba." sambit ni Donna bago nagtungo sa banyo.

Napuna ko naman yung iba pa sa may pinto. Nakatakip ang mga kamay ni Nick at Juancho sa bibig nila. Halatang nagpipigil na nang tawa ang mga loko. Si Bestfriend naman ay nakakunot ang noo at medyo nakasimangot. Ano naman kayang ikinagagalit nito?

Paglapit ko sa kanila ay humagalpak na nga nang tawa yung mga loko.

"Ang ingay nyo." sambit ko.

"Ah suman! suman!" kantyaw ni Juancho.

"Pajama ba ni Donna yan?" tanong naman ni Nick habang mangiyak-ngiyak na sa pagtawa.

"Bagay sa yo pre." pagpapatuloy pa nito.

"Kay... kay class pres yan?" mahinang tanong ni Karlo. Kakaiba ata siya ngayon. Hindi siya tumatawa sa suot ko, di tulad nung dalawang loko. May lungkot sa mata nito. Mali, hindi lungkot iyon, kundi selos. Sa kanilang dalawa nga pala ni Nick, ay mas matindi ang pagkagusto ni Karlo kay Donnalyn. Maihahalintulad iyon sa pagtingin ko kay Nikki. Sabi nga nila "long time crush."

"At bakit mo naman suot yan? Asan ang damit mo?" mataray na tanong ni bestfriend Nikki.

"Ooooh! Smell fishy." sabay sa pagsambit si Juancho at Nick.

"Tumigil nga kayo." sagot ko.

"Explain it , Roy." sabat naman ni Marco.

"Natapunan lang ni Erika nang cake yung damit ko. Pinahiram lang ako ni Donnalyn nang damit." sagot ko.

"At tinulungan ka ni Donna na isuot yan?" tanong ni Nick.

"Ha?! Hindi no!" mabilis kong sagot.

May pagdududa sa tingin ni Nick, ganun din kay Marco. Wala namang kakaiba sa reaksyon ng mukha nila Juancho, Sheila at Emily. Kaiba naman na ang timpla ni Nikki, lalo na si Karlo.

"Bakit magkasama kayo sa loob ng kuwarto?" tanong ni Nikki.

"At saka bakit damit nya? Wala bang panlalakeng damit sa bahay na to?" pahabol pa ni Nikki.

"Nandoon ako sa kuwarto dahil doon ako sa banyo ni Donnalyn nagpalit ng damit tutal asa kuwarto din naman niya yung pwede ko isuot." paliwanag ko.

"Ate, eto nga pala yung damit ni Roy, pakilaba na lang tas paki plantsa na rin pagkatapos." Si Donnalyn iyon. Nakababa na rin pala siya. Iniabot niya sa katulong yung marumi kong damit na naiwan sa banyo.

Your Rascal KnightWhere stories live. Discover now