Linggo nang hapon, drayber lang nila Donnalyn yung sumundo sa grupo namin. Wala pa rin ang Dad at Mommy niya sa kanila. Napuna ko rin na wala si ate Danica.
"Mukha atang ikaw lang at yung mga kasambahay mo ang naiwan dito ah?" tanong ni Ricky kay Donnalyn.
"Yup! Umalis din si ate eh. May girl's bonding kasi sila ng barkada niya tuwing Sunday." sagot naman ni Donnalyn.
"Oh, eh di pano yan? Pwede na kayong mag sweet-swi-tan ni Roy." nangingiting sambit ni Belle na kaagad namang ikinamula nang pisngi ni Donnalyn.
"Tayo tayo lang naman ang nandito. Don't worry, hindi namin ipagkakalat. Tahimik kami ni Ricky tsaka Erika." dugtong pa ni Belle.
"Hindi naman natin kailangang itago yan ah. Holding hands nga sila kahapon kahit kaharap si ate Danica." sambit ni Ricky.
"Ano ba kayo? Namumula na si Donnalyn sa pang-aasar nyo. Friends lang kami." sabad ko naman.
"Maniwala sa' yo! Kahit si Erika, nahahalata kayo." sagot ni Belle sabay tingin kay Erika. "Di ba?" tanong naman nito kay Erika.
"Ha?" batid sa mukha ni Erika ang pagkabigla. Marahil siguro ay hindi nya inaasahan na isasali siya sa usapan. Hindi kasi ito pala-imik, mahiyain kumbaga. Naalala ko sa kanya ang aking dating sarili. Yun bang tipong laging out of place. Salamat na lang ako at nakilala ko ang mga barkada ko at medyo kumapal na ang mukha ko.
"Di ko alam. Maaga naman kasi akong umuwi kahapon." sagot ni Erika.
"Nga pala Erika, bakit lagi kang tahimik?" Mukhang biglang nabaling ang atensiyon nitong si Belle kay Erika.
Tahimik lang si Erika. Tila nag-iisip siya nang isasagot o baka wala siyang balak sagutin ang tanong.
"Eh, ikaw bakit ang hyper mo ngayon?" sabad naman ni Ricky sabay lagay nang kamay niya sa balikat ni Belle.
Humarap si Belle kay Ricky. Inilagay nito ang kanyang mga kamay sa pisngi ni Ricky habang nakangiti.
Malapit ang mukha ni Belle sa mukha ni Ricky. Mistula bang plano niya itong halikan.
"Oh, anong gagawin mo?" Tanong ni Ricky na may haling pangamba.
"Hyper pala ha?!" sambit ni Belle sabay lakad nang mga daliri niya sa mga tenga ni Ricky tapos pinisil niya nang mahigpit.
"Araay!" hiyaw ni Ricky. Napatawa kaming dalawa ni Donnalyn sa ginawa ni Belle pati na rin sa reaksyon ni Ricky. Napuna ko namang napatawa nang bahagya si Erika. Batid ko na pinipigil niya na tumawa pero di naman maikakaila na nakaguhit ang ngiti niya sa mukha. Talagang napakanahiyain nitong si Erika.
"Mas gumaganda ka pag nakangiti." sambit ko habang nakatingin kay Erika. Nagkasalubong ang aming mga mata pero bigla naman niyang ibinaba ang kanyang tingin.
"Hala! Roy, nasasabi mo yan kahit andito gf mo?" sambit ni Ricky. Napatingin naman ako kay Donnalyn. Medyo namumula pa rin ang mukha niya.
"Ikaw talaga!' sambit ni Belle sabay batok kay Ricky.
"Araay! Wala naman akong ginagawa sa iyo ah?" reklamo ni Ricky habang hinihimas ang kanyang batok.
"Huwag ka ngang mang-gatong, baka nga pag selosan ni Donnalyn itong si Erika." paliwanag ni Belle. Halata naman sa ngiti niya na inaasar niya kaming dalawa ni Donnalyn.
Lalo namang namula si Donnalyn ganun din naman si Erika.
"Eh hindi ko naman boyfriend si Roy, kaya wala ako karapatang magselos kung sabihin man niyang maganda si Erika." Medyo napakunot na nang noo si Donnalyn habang nagsasalita.
"Pero nagseselos ka kay Erika?" patuloy na pang-aasar ni Belle.
"Hindi ah." sagot naman ni Donnalyn.
"Confident si president." kantyaw naman ni Ricky.
"Hala! Ako ay tigilan nyo na" kahit medyo may pagkapikon sa tono ni Donnalyn ay nakangiti pa rin ito.
"Sino bang mas maganda sa kanila Roy?" sa akin naman bumaling si Ricky.
Napatingin ako kina Donnalyn at Erika. Magkatabi lang sila. Masasabi ko na nakalalamang sa tangkad at hinaharap si Donnalyn kesa kay Erika pero those damn legs, they are on par when it comes to smoothness and their figures are perfect for a teenager.
"Bakit ko naman kailangan pag kumparahin sila?" tanong ko kay Ricky.
Hindi naman ito nakasagot.
"Ay, ibig sabihin panalo si Erika." sambit ni Belle sabay akbay kay Erika.
Tahimik naman si Erika. Tila ayaw na niyang masali sa asaran. Batid ko ang pangamba niya. Alam kong hindi siya sanay sa ganitong panyayari lalo at hindi naman ganoon pang ka close ang mga tao sa grupo namin. Napagdaanan ko na iyon eh.
"Bakit mo naman nasabi yun?" tanong ni Ricky.
"Pano kasi, nasabi na ni Roy na maganda si Erika at narinig naman nating lahat iyon di ba?" sagot ni Belle.
"Oo nga no? Pero si Donnalyn, ni hindi ko pa narinig sabihan ni Roy na maganda." sambit ni Ricky.
Nagkatinginan kami ni Donnalyn. Napaisip naman ako bigla. Hindi ko pa nga nasasabihan si Donnalyn na maganda siya habang nasa harap kami ng ibang tao. Naalala ko, noon lamang niromansa ko siya sa kanyang kuwarto, doon ko lang nasabi sa kanya na maganda siya.
"Hindi nya naman kailangang sabihin na maganda ako. Hindi ko sa boyfriend!" medyo mataas na ang boses ni Donnalyn.
"Eh, bakit si Erika?" pahabol pa ni Ricky.
Tinapik naman siya ni Belle. "Tama na nga." nakangiting sambit ni Belle sabay kurot sa bewang ni Ricky. Alam kong batid na niya na pikon na si Donnalyn "Wala tayong matatapos kung magkukuwentuhan lang at mag-aasaran tayo." dugtong pa nito.
"Hay salamat. Saka nakakahiya na kay Erika." nakangiting sambit ni Donnalyn sabay hawak sa balikat ni Erika.
"Okay lang ako Donna." nakangiting tugon ni Erika.
"Pagpasensyahan mo na ang magsyotang yan ha." nakangiti kong sambit.
"Sinong tinutukoy mo?!" sabay pang nag-react si Ricky at Belle.
Ngumiti akong muli sabay tingin sa kisame tapos sa paligid. "Nakahganti rin sa inyong dalawa." nasabi ko sa loob loob ko.
Si Donnalyn naman at si Erika ay natawa sa reaksyon nang dalawa.
"Pero bagay kayo." tila naman gumaganti na si Donnalyn mula sa pang-aasar nang dalawa kanina.
"Sino namang papatol sa batugan, antukin at mukhang kawayan na ito?" sambit ni Belle.
"At sino namang magkakagusto sa isang babaeng nagpapantasya sa mga cartoon characters?" ganti naman ni Ricky.
"Anime yun! Hindi cartoons!" sagot ni Belle.
"Pareho lang yun! " sambit ni Ricky.
"Utak kawayan ka kasi kaya di mo alam ang pagkakaiba." sambit ni Belle sabay belat.
"Ikaw utak mo puno na nang tinta. Puro drowing na ang laman." ganti naman ni Ricky.
"Hahahaha" napatawa nang malakas si Erika. "Para na kayong mag-asawa kung mag-away" sambit nito.
Napatawa na rin kaming dalawa ni Donnalyn, lalo na sa sinabi ni Erika.
"Tama na nga to." napahiyang sambit ni Ricky sabay kamot nang kanang hintuturo nito sa ilong.
"Mabuti pa nga. Gawin na lang natin yung mga props." pag-sang-ayon naman ni Belle.
Nag-thumbs up naman ako kay Erika. Ngumiti naman siya.
Mababatid mo kay Erika na nasiyahan din siya sa asarahan ng grupo namin, lalo na at nasapol niya ang aso't pusang sila Ricky at Belle. Siguro, kung magkakaroon pa kami nang panahon na magkasama nang ganito siguradong mababago na ang pagiging mahiyain ni Erika.
***********
Pasensya na po kung natatagalan sa update pati na rin kung walang aksyon na nangyari sa update ko ngayon.
YOU ARE READING
Your Rascal Knight
RomantiekYour Rascal Knight Roy "Pilyo" Caballero is Your Rascal Knight (Pilyong Kabalyero). Let's follow his mischievous and Naughty adventures, his experiences in sex, love and life. ◀◀◀◀◀◀◀◀▶▶▶▶▶▶▶ This story is not suitable for persons whose height is...