Chapter 28.5 - Goodbye

424 12 1
                                    

"Kuya! Kuya!"

Kaasar naman itong si Rey, ang sarap pa kayang matulog.

"Male-late ka nyan kuya."

"Huh? Anong oras na ba?" Tanong ko habang kinukuskus ang aking mga mata sabay hikab na rin.

"Alas sais y medya na." Sagot nang nakababata kong kapatid.

Nanliit ang mga mata ko bago ko hinampas nang unan si Rey.

"Ugok! Alas otso y medya pa simula nang klase ko." Sambit ko.

"Ay! Hayskul ka na nga pala kuya." Bumelat pa ang loko bago nag peace sign.

"Huwag mo awayin yang kapatid mo. Pina-gising sadya kita para sabay sabay tayo mag-agahan." Sambit naman ni Inay na nakatayo na sa may pintuan ng kwarto.

Kay bilis talagang lumipas nag summer vacation. Eto at umpisa na ng school year 2001-2002, and now I'm officially a high schooler. Goodbye Summer of 2001.

Naman! Ilan bang goodbye ang nangyari nitong summer? Isa-isahin nga natin. Si Nick at Emily nag say goodbye sa isa't isa dahil itong si Emily isinama at ini-enrol ng Mama niya doon sa Bacolod. Si Juancho, tulad nang sabi nya sa pribadong eskuwelahan pinapasok, ang masaklap pa ay doon pa sa Maynila. Na late ako sa pag-enroll kaya di ako umabot sa pagiging Science Class, so goodbye Science Class ako. Hindi ko kaklase si Nick at si Karlo pero pareho naman kami ng school, so I guess it's not goodbye sa aming magtrotropa. Si Master Ben, kaklase ko ang mokong, it's definitely not goodbye sa aming kalokohan. Natuloy si Nikki sa pagiging Science Class. Section A nga ata siya. Natuloy din ang pangako ko sa kanya na hindi ko na siya kukulitin, so I guess it's really is goodbye bestfriend. Si Donnalyn ay sa Maynila na rin nag-enrol, kasama niya don si Marco. Bye Donnalyn? Ah! Ayun ang isa pang malupet na goodbye, goodbye Diana and friends. Bago matapos ang summer vacation ay na raid yung cabaret na pinagtratrabahuhan nila. Ayun kalaboso si Mang Carding at iba pang bugaw. Si Diana naman ay nawala nang parang bula. Wala na tuloy ako mapagparausan. Si Zed naman, hindi nakapag goodbye sa virginity niya dahil nga nawala na si Diana bago pa gumaling ang tuli niya. At least goodbye supot days na siya. Si Jerone din goodbye Jean na. Si Jepoy naman, matagal nang goodbye Roan simula nung tulo incident. Well magaling na naman siya kaya goodbye tulo.

Ngayon, eto na ako sa gate nang National High School.

"Say hello to my High School life."

************

Woooosh! Hello po sa mangilan ngilang nag-aabang nang update nang story na ito. (High five muna! Hehe). So eto na nga po at nabuhay si Author. Opo buhay pa ako at nagbabalik upang ipagpatuloy ang aking sinimulan (ewan ko lang kung matatapos ko pa ito. Lol. #lazyfinger). Anyway, sorry dun sa mga matagal nag-intay ng update, may mga inasikaso lang si author. Just enjoy this story, please ^^V.

Your Rascal KnightWhere stories live. Discover now