Affectus Vel Desideriis Pravis - Prologue

2.7K 71 1
                                    

SA PANULAT NI: Dangerous_Lei

PROMPT:

PROMPT NI: mariapengwa

Nagsimula ang storya ng ating mga bida sa isang maliit na barrio sa bayan ng San Lorenzo. Tahimik na lugar at kilala sa mga magagandang bundok. At sa mga bundok nito ay may nakatirang isang magandang dilag na nangangalang Maine. Maniwala ka man o hindi, siya ay isang anak ng tanyag na spiritsta sa kanilang barrio. Galing siya sa pamilyang mangagamot. At siya ay nakatakda para Makita ang isang lalaki. Isang lalaki na hindi ordinaryo at magpapabago ng kanyang buhay sa kasalukuyan. Ngunit hindi pa niya nahahanap kung sino ito.

*****

Normal na hapon. Yan ang mga salita na pwedeng magtukoy sa araw ngayon ni Maine. Walang masyadong pasyente na dumalaw sa bahay ng kanyang tiyo. At nakapagpahinga pa ito. Nakapaglinis din siya ng kanyang bahay na tinutuluyan ng kanyang pamilya at nakatuklas pa ito ng mga bagong gayuma na pwede niyang magamit sa hinaharap. Nabulabog ang kanyang magandang hapon nang patakbong pumasok sa kanilang bahay ang kanyang tiyo.

"Oh, tiyo, bakit po kayo hingal na hingal?"

"Maine, kailangan mo akong samahan papunta sa eskwelahan ng aking anak."

"'Ho? Bakit daw po?

" Ang kanyang kaklase ay sinaniban ng masamang espiritu at hindi ko magagawa ang gayuma ng magisa. Dali na iha, baka ano pa ang mangyari doon."


Dali-daling lumabas sa bahay si Maine dala ang kagamitan ng kanyang tiyo na pang gayuma. Hindi nito alam kung ano ang gagawin nila at kung paano nila papalisin iyon. Nakarating sila sa eskwelahan at nakita niya kung paano magsialisan ang mga batang galing sa mga gusali. Puno ng takot sa kanilang mga muka. Agad nitong nakita ang kanyang pinsan na halos maiyak na sa sobrang takot.

"Tay, A-ate. Dalian nyo po. Nasa ikatatlong palapag sila Ma'am Jessica. Hawak na po nila si Kevin."

"Sige. Umuwi ka na sa atin at isarado mo ang mga pinto, Karina. Babalik kami."

"Opo."

Nakita niya agad ang bata na nagwawala. Mapula ang mga mata nito at halos anim na guro na ang nakahawak sa kanya. Pinipigilan na kumawala. Mayroong mga salita ang sinasabi ng bata at sa tingin nito ay nasa wikang tagalog pa ito.

"Lahat ng tao dito sa bayan na ito ay makakaranas ng aking pasakit at mamatay!" Paulit-ulit niyang sabi habang hinahanap ng tiyo ni Maine ang mga tamang salita para mapaalis ang espiritu.

"Matagal pa ba yan?!" Inip na sabi ng isa sa mga guro.

"Eh kung ikaw kaya ang mag hanap ng gayuma dito?" Sabi ng kanyang tiyo na nagdahilan nang hindi pag-imik muli ng guro. Sa wakas ay nahanap niya na rin ang mga salitang hinahanap niya.

Pinanood ni Maine ang kanyang tiyo na simulan ang ritual. "Masamang espiritu!" Simula nito. Ikinumpas nito ang kanyang kamay at mabilisang dinasalan ang bata. "Lumayas ka sa katawan ng inosenteng bata! Bumalik ka sa iyong pinangalingan!" Mas lalong naging mabagsik ang bata. At pagkatapos ng ilang Segundo, nagsimulang nanghina ang kanyang tiyo. Kaya sinamahan na niya ito sa pag-ulit nang mga salita. Hindi nagtagal ay nahilo na lamang bigla si Maine at may nakitang aparisyon. Isang lalaki. Isang lalaki ang nakita niya sa katawan ng bata. Kaya naman mas lalo nitong nilakasan ang pagsasalita. Hanggang sa tuluyan nang nawala sa katawan ng bata ang espiritu at Naka-balik na siya sa realidad. At nakita niya na ang bata ay unti-unti nang nababawi ang kanyang sarili mula sa espiritu na sumapi sa kanya. Nagsilapit ang mga magulang nito at lumapit naman ang mga guro kay Maine at sa kanyag tiyo.

"Salamat sa inyo, Kapitan Cho, at Maine. Kung hindi dahil sa inyo, baka ano na ang nangyari sa bata. Pati na rin sa bayan natin."

"Mas mabuting kay kapitan Cho natin ibigay ang bote. At baka ano pa ang mangyari dito."

"Ano po ba ang nangyari? At bakit nasapian ang bata?" Tanong nito. Gulong-gulo pa rin ang isipan.

"Pinaglaruan ng mga bata ang mga naka-tanghal na namanang kagamitan ng mga ninuno natin. Kasama na dun ang bote kung saan....." Natigil sa pagsasalita at napatingin ito sa kanyang tiyo ang guro. Hindi na lamang ito umimik pero nagbigay ng isang pekeng ngiti.

"Ah, Salamat muli sa pag tulong nyo sa amin." Sagot muli ng isa pang guro.

"Wala pong anuman."

****

Hindi alam ni Maine kung bakit pa ito gising at binabasa ang isang libro na pang gayuma kahit magaalas-dose na ng hating gabi. Muli na naman pumasok sa kanyang isipan ang muka ng binata na nakatagpo niya kanina. Ang kanyang balat ay kasing puti ng niybe. Ang kanyang mga mata ay kumikislap ngunit may kahalip itong galit. At ang kanyang malalim na dimple na kitang-kita pa rin kahit hindi ito ngumingiti. Dahil sa kuryusidad ng dalaga, naisipan niya na makita ang binata kahit saglit lamang. Nagdesisyon itong puntahan ang bahay ng kanyang tiyo para kunin ang bote at siya mismo ang gumawa ng gayuma para Makita muli ito.

Agad nitong nakuha ang bote ng walang ginawang kaingayan. Noong akala niya ligtas na siya, Biglang sumulpot ang tulog na boses ng kanyang tiyo. Mabuti nalang hindi na siya nakagawa pa ng ibang ingay kaya nakaalis agad ito. Ihinanda niya agad ang mga kagamitan na kanyang gagamitin para sa aktibidad at naghanap ng gayuma na pwedeng gamitin.

"Nanalangin ako sa mga diyos-diyosan na nakapaligid sakin. Ibigay nyo ang aking hiling na makita muli ang lalaking nakasalubong ko sa katawan ng bata kanina." Bumalot kay Maine ang takot. Dahil magisa siya ngayon sa gubat dahil natatakot siya na baka magising niya ang kanyang mga kapatid sa pinagga-gawa niya. Gusto niyang itigil ang lahat ng ito pero, hindi na niya mapipigilan ito.

Umihip ang malakas na hangin sa kanyang paligid. Ang kaba ay dumaloy sa kanyang dugo. Kaya mo ito, Maine. Wala nang atrasan. Ginawa mo na eh. Wika nito sa sarili. Ipinikit nalang niya ang kanyang mga mata at hiniling na sana hindi siya mapahamak.

****

Sa wakas. Pagkatapos ng ilang dekada na pagkakulong sa boteng iyon ay siya ay muling nakalaya. Handa na siyang tapusin ang planong itinakda para sa kanya. At ibalik kung ano dapat ang nararapat sa kanya at sa kanyang pamilya. Handa na siya. Handa na siyang muling harapin ang buhay. Nakita niya ang isang dalaga. Nakapikit ang kanyang mga mata at halata na takot na takot siya. Binuksan niya ang kanyang mga mata at dumistansya sa kanya. Lumapit naman ang binata sa kanya at naglabas ng isang ngisi.

"Kamusta ka, Maine?"

AMACon 4: Serendipitous - Likhang TagalogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon